Madepensahan kaya ng Barangay Ginebra ang PBA Championship Title

in basketball •  6 years ago 



[Image Source]

Kagabi, natalo na naman ang Barangay Ginebra sa pangalawang beses kontra Magnolia Hotshots para sa PBA Governor's Cup Seminfinals. Nangunguna na ngayon ang Magnolia na may 2 panalo sa best-of-five series. Ngunit meron pang pag-asa ang Barangay Ginebra upang depensahan ang kanilang titulo bilang isang PBA Champion.

Magandang laban ang pinakita ng dalawang koponan kagabi sa Smart Araneta Coliseum. Nanalo ang Magnolia Hotshots sa score na 101-97. Sa huling 16 segundo ng laro, ang Magnolia ay lamang lamang ng tatlo at may pag-asa ang Barangay Ginebra na ma-tie ito dahil nasa kanila ang bola. Nakatira ng three-points sina LA Tenorio at Justin Brownlee ngunit nabigo ito at hindi nabigyan ng overtime.



[Image Source]

Si Justin Brownlee, import ng Barangay Ginebra, ay nakapagtala ng 31 puntos, 12 rebounds, at 7 assists na muntik ng magka triple-double. Habang si LA Tenorio ay may 15 puntos, 2 rebounds, at 1 assist. Matinding depensa ang pinakita ng Magnolia Hotshots na nagpahirap sa Barangay Ginebra. Na naging resulta sa 23 turnovers ng Barangay Ginebra.

Hindi pa nawawalan ng pag-asa ang Barangay Ginebra. Tulad nga ng dati, kaya nilang manalo ng sunod-sunod papuntang finals. Marami ring fans ang na niniwala sa kakayahan ng Barangay Ginebra dahil sa kanilang attitude na "Never say die".

Bukas ng alas-7 ng gabi ang pangatlong laro ng Barangay Ginebra at Magnolia Shots sa Smart Araneta Coliseum. Ito na ba ang huling laro ng Barangay Ginebra? O di kaya'y makakamit na nila ang unang panalo sa semifinals.

Authors get paid when people like you upvote their post.
If you enjoyed what you read here, create your account today and start earning FREE STEEM!