[Image Source]
Kanina lang, natalo ng Meralco Bolts ang Alaska Aces sa score na 97-92. Ito ang unang panalo sa best-of-five semifinals kontra Alaska Aces. Natalo nila ang Phoenix Fuel Masters na top 2 sa standing sa quarterfinals. Kaya malaki rin ang porsiyento na mananalo sila sa semifinals. May apat pa silang laban bago ang finals ngunit dalawa na lang ang kanilang kinakailangan upang makapasok sa finals.
[Image Source]
Ang import ng Meralco Bolts na si Allen Durham ang nangunguna sa puntos kanina na may 32 puntos. Marami siyang naipasok dahil sa kanyang mga offensive rebounds na nagpahirap sa Alaska Aces. Hindi man siya masyadong makakapuntos sa three-point na linya, malaki naman ang kanyang naitulong dahil sa kanyang rebounds at depensa. Naging best player of the game naman ang kanilang local player na si Chris Newsome na may 16 puntos, 7 rebounds at 4 assists. At may naiambag rin si Baser Amer at Reynel Hugnatan na may 14 puntos at 9 puntos ayon sa pagkakabanggit.
[Image Source]
Hindi pa nakapagtala ng panalo ang Meralco Bolts sa PBA finals. Ngunit nakapaglaro na ng dalawang beses ang koponan sa finals. Ito ang kanilang pang-apat na beses na makapaglaro sa playoffs. Ginigawa nila ang lahat upang makapasok ulit sa PBA finals at masungkit ang kanilang unang kampeonato sa history ng PBA.
Sa Martes, ipagpapatuloy nila ang laban kontra Alaska Aces para sa Game 2 ng PBA Governor's Cup semifinals. Ito ay gaganapin sa Mall of Asia Arena alas 7 ng gabi. Kaya ating saksihan kung makakamit ba ng Meralco Bolts ang kanilang pangalawang panalo o di kaya'y itatabla na Alaska Aces ang standing sa best-of-five series.