Maligayang Kaarawan Ama at Inang

in bayanihan •  7 years ago 

Ika-15 nga pala ngayon ng Enero. Bigla ko naalala kaarawan ngayon ni Inang at Ama. Mga lolo at lola namin sa side ni Nanay. Inang Lucy ang tawag namin sa lola namin at Amang ambo ang tawag namin sa lolo namin. Pero madalas Ama at Inang lang. Bale ang alam ko, hindi talaga sila sabay ipinanganak. Kaso noong panahon na iyon, ang alam ko wala sila birth certificate. Sila nanay ko nga ngayong Enero lang inasikaso ang kanyang birth certificate e. Maswerte na din tayo ngayon na pinanganak sa panahon ng 80's kasi marami sa atin ay rehistrado agad sa NSO and ating kapanganakan. Basta nakalakihan nalang namin na mga apo na sa Enero ika-labinlima nila ipinagdiriwang ang kanilang kaarawan.

Pareho na silang nasa langit ngayon. may ilang taon na din silang yumao. Nauna si Ama. Prostate cancerang ikinamatay niya. Andun ako nang mga huling araw ni Ama. Naaalala ko ang sakit ng kanyang paglisan. Ang dating malakas na pangangatawan ni Ama, ay iginupo ng matinding sakit. Namatay siya kapiling ang mahal niya sa buhay. Mahal na mahal ko si Ama kahit na takot na takot din ako sa kanya. Malakas kasi siya magsalita, nakakatakot naman talaga.

Si Inang naman, may asawa na ako noong namatay siya. Ilang araw, bago sila mag birthday nila Ama, ang totoo noon, napanaginipan ko siya, may bumulong sa akin noon sa panaginip ko. Ang sabi, patay na daw si Inang. Wala ako naramdaman sa panaginip ko, kasi iba talaga ang panaginip ko, hindi patungkol kay Inang, tas ayon bigla nalang may bumulong sa taenga ko na wala na siya. Nagising ako, at umiyak ako sa asawa ko. Pano kako mangyayari iyon ay malakas pa siya noong Pasko. Linggo ng gabi iyon. Martes, nalaman ko nalang na nasa ICU na si Inang. Ang sakit sakit. Simula noon, naniwala na ako sa panaginip. Siguro, si God ang bumulong sa akin nang panahon na iyon. Ang totoo noon, pasko kami nagkita ni Inang, sabi niya gusto na niya magpahinga. Hinahagod ko likod niya, pero naiiyak na ako. Nagtatago ako sa likod niya kasi ayoko makita niya ako na umiyak.

Ilang araw lang si Inang sa ospital, at bumigay din ang katawan niya. Iniwan niya kami. Pero ang sabi ng asawa ko, wag na ako malungkot. Di ba gusto naman na talaga niya magpahinga, hayaan mo na si Inang na makapag pahinga. Mas bibigat ang pamamaalam niya sa amin, kung hindi ko papakawalan si Inang. Iyon na ata ang nakapag palubag sa damdamin ko. Ilang panahon din akong hindi umiyak. Ngayon lang ulit na isinusulat ko ito.

Si Inang kasi, sobrang bait na lola. Nag ka diabetes lang siya noon, kaya siguro naging moody. Pero sobra sa pagiging maasikasong ina at lola. Ginugol niya ang buong buhay niya sa pag aasikaso sa kanyang pamilya. Kaya bilang kanyang apo, mahal na mahal ko siya.

Mahal na mahal ko sila. Takot ako noon na mawala sila pero ngayon, alam ko nakagabay si Inang kasama si Ama sa amin at ang buong pamilya.

Authors get paid when people like you upvote their post.
If you enjoyed what you read here, create your account today and start earning FREE STEEM!
Sort Order:  

Huhuhu.. ako rin.. gnito rin pkiramdam bsta tlga mahal natin sa buhay..

opo sis @aoife12 wag dapat malungkot, masaya na sila., kaso d lang mapigilang maiyak talaga..

Upvoted magaling ipag patuloy

@mrblu ayoko sana drama rama sa hapon hehe kaso bday nila today kc hehe. memories

ipagpatuloy lang sis..