Ang Alpabetong Tagal (Tagalog) ay nakilala nating BA15 (B15) dahil ito ay may labinlimang simbolo o karakter ng Baybayin, tatlo (3) ang patinig [A, E/I, O/U] at labindalawa (12) ang katinig [Ba, Ka, Da, Ga, Ha, La, Ma, Na, Pa, Sa, Ta, Ya].
Ang pag-aaral tungkol sa Alpabetong Tagal ay sinimulan natin sa mga aklat nina Antonio de Morga at Melchisedec Thevenot. Ang kopya ng Alpabetong Tagal o Baybayin ay nagmula kay Henry Stanley na nagsalin ng aklat ni G. Morga.
Alpabetong Tagal sa aklat ni Melchisedec Thevenot
Pamagat ng aklat: Relations de divers voyages curieux, qui n'ont point esté publiees
(Relasyon ng iba't ibang mausisa na paglalakbay, na hindi pa nailathala)
May-akda: Melchisedec Thevenot
Taon na nalathala: 1664
Publikasyon: Sa Paris: Sa Iacques Langlois, ordinaryong printer ng Hari, sa Mont Sainte Geneuiesue [sic]; at sa kanyang tindahan sa pasukan ng malaking marumi ng Palasyo, sa Reyne de Paix
Para sa karagdagang kaalaman ay bisitahin ang mga sumusunod na sanggunian:
Relations de divers voyages curieux
- https://archive.org/details/relationsdediver00thve/page/n695
- https://gallica.bnf.fr/ark:/12148/bpt6k577896/f718.item.zoom
Sumali sa aming diskusyon sa Facebook:
FB Page | Baybayinista
FB Group | Baybayinista
BAYBAYIN: B17 Ang Tunay na Baybayin
Sulong Baybayin Abril 21 #SBA21