Patayong Linya — Bantas sa Baybayin

in baybayin •  6 years ago 

Sa Sulat Baybayin ay may mga patayong linya na ginagamit sa sandaling paghinto at paghihiwalay ng mga salita sa ibang bahagi ng pangungusap.

  • Isang patayong linya "|" para sa bantas na kuwit (,)
  • Dalawang patayong linya "||" para sa bantas na tuldok (.)

Gaya sa nakagawian nang paggamit ng kuwit, gamitin ang isang patayong linya "|" para sa paghihiwalay ng magkakauring mga salita sa loob ng pangungusap. Gamitin naman ang dalawang patayong linya "||" bilang pananda sa pagtatapos ng pangungusap.


Sumali sa aming diskusyon sa Facebook:

Baybayin Foundry
BAYBAYIN: B17 Ang Tunay na Baybayin
Sulong Baybayin Abril 21 #SBA21

Sulong Baybayin!
Mabuhay ang Baybayinista!

Authors get paid when people like you upvote their post.
If you enjoyed what you read here, create your account today and start earning FREE STEEM!
Sort Order:  

Ayos. Unti-unting nakikilala ang baybayin. At sulat pa ni Gat Jose Rizal ang madalas mong gamitin. Mabuhay!

Salamat po @apulakansiklab. Mabuhay ang paggamit ng Panitik Tagalog!