There can no greater gift than that of giving one's time and energy to help others without expecting anything in return. - Nelson Mandela
Magandang Araw Steemians!
Ang paggamit ng blocktrades ay isa sa pinakamadaling pamamaraan para ma withdraw ang iyong kita sa Steemit. Napakadali at hindi mahirap gawin ang proseso. Sa paggamit ng blocktrades, hindi mo na kailangang ibenta ang iyong SBD/Steem to bitcoin sa isang external exchanger, ang blocktrades na ang gagawa para sa iyo.
Ang blocktrades hindi lamang para sa Steem/Steem Dollars/Bitcoin conversions, ito din ay nagpro-proseso ng mga iilang cryptocurrency coins kagaya ng Bitshares, Etherium, Dogecoin, Litecoin, at iba pa. At dahil ang pinag-uusapan natin ngayon ay ang mga ipon natin sa Steemit, tayo'y mag toun ng pansin sa Steem/Steem Dollars lamang.
Ang kumpleto at dahan-dahang gabay na ito ay ginawa ko upang maging gabay sa mga Pilipino sa pag gamit ng blocktrades galing sa kanilang Steemit wallets. Ang pinakamadali at pinakasegurado na bitcoin wallet na madaling magawan ng account ng mga Pilipino para ma-convert ang kanilang Bitcoin to Philippine Peso ay ang Coins.ph. Para mabigyan kayo ng pangunahing ideya, narito ang larawan ng proseso sa pag gamit ng blocktrades :
Para magamit mo ang gabay na ito, dapat kang magkaroon ng Coins.ph na account at nakuha mo na ang iyong bitcoin wallet address sa iyong coins.ph account.
May nagawa na akong gabay ng pag-withdraw ng iyong Steemit Earnings papuntang Bittrex hanggang sa umabot sa iyong coins.ph, i click mo ang active link na ito :
May parte doon na nagtuturo sa iyo kung papaano makuha ang iyong bitcoin wallet address, kung hindi mo pa iyon alam, paki-click nalang ng active link sa taas.
Tayo'y Magsimula na!
Pumunta ka sa iyong Steemit wallet at isipin mo kung magkano ang iyong gustong i-withdraw na Steem/Steem Dollars.
Ating gawing halimbawa ang Steem Dollars. Sa iyong wallet, i click ang drop-down icoin katabi ng iyong SBD earnings. Pagkatapos ay i-click mo ang "transfer". Ito dapat ang hitsura nya :
Pumunta sa https://blocktrades.us/ website.
Sa blocktrades na website, makikita mo ang "Send" at "Receive" na tab. Gawin nating halimbawa ang Steem Dollars. Sa Send na label, Steem Dollars ang pipiliin natin dahil ito ang cryptocurrency token na ating isesend galing sa ating Steemit wallet. Sa Receive tab naman, Bitcoin dahil ito ang token na gusto nating matanggap sa ating Coins.ph wallet. Eto dapat ang resulta sa site :
Pumunta ka sa iyong Coins.ph account. (Wag mong i-close ang blocktrades na site)
Hanapin mo ang iyong Bitcoin wallet address. Kung nakita mo na iyon, kupyahin mo ang kabuuang address. Pumunta ka ulit sa blocktrades na website at i-paste mo ang iyong btc wallet address sa label box "Your receive address" dahil doon pupunta ang bitcoin. Ito dapat ang porma ng dalawa :
Sinadya ko talagang burahin ang mga letra ng wallet address na yan for security
Ilagay mo kung ilang SBD ang gusto mong i-withdraw sa "Send".
I-Click mo ang "Get Deposit Address" button
Oo. I-click mo ang button na iyan at ang blocktrades ay magbibigay sa iyo ng "memo" para gamitin mo sa iyong pinal na pagtransfer. Kopyahin mo ang memo na iyon. Ito dapat ang hitsura ng site :
Sinadya ko talagang binura ang memo na iyan para sa kaunting privacy
Pumunta ka Ulit sa iyong Steemit Wallet at ilagay mo ang memo na iyong kinopya
Isang hakbang ka nalang upang makumpleto ang proseso. Ilagay ang memo bilang huling kailangang gawin para ma withdraw mo ang iyong Steemit earnings. Para sa iyong gabay, ito dapat ang hitsura :
Tapos na ! :)
Congrats! Nakumpleto mo na ang gabay na ginawa ko. Maghintay ng iilang minuto at i-check mo ang iyong btc wallet address sa iyong coins.ph account. Pagkatapos, i-convert mo ito sa PHP at pwede mo nang ma-withdraw ang iyong earnings :)
Quick Tip kung gagamit ka ng Blocktrades
Hindi maipagkakailang malaki talaga ang transaction fee ng blocktrades bukod sa ibang exchanger site. Kaya tandaan mo ito : "The more amount you send, the more you save from transaction fee". Payo ko lang ay gumamit ka ng blocktrades kung malaki na ang iyong naipon sa Steemit. Lagpas 200 Steem ay napakaigi para ma-maximize mo ang blocktrades fee. Pwede namang mas maliit pa diyan, ang punto ko lamang ay para ma-maximize mo ang transaction fee ng blocktrades. Pu-puwede ngang magsama-sama kayong magbabarkada na magwithdraw. Pagkatapos, i-ratio and proportion nyo nalang ang hatian sa bitcoin. Madali lang naman gawin yan. Eto ang formula :
Ibahagi mo ito sa iyong Kaibigan
Kung gusto mo, pwede mo din itong i-resteem para may kopya ka sa iyong profile. Ang misyon ko sa post na ito ay magbigay gabay ito sa mga New Steemians/Old Steemians sa pagwithdraw ng kanilang mga earnings sa Steemit. Makakatulong ito sa kanila, at maraming salamat kung gagawin mo iyon.
Gumawa rin ako ng gabay sa pagwithdraw ng iyong earnings sa Bittrex. Kung gusto mo :
I don't know your language, but i recognize. its wonderful to give without no return of favour in mind
Downvoting a post can decrease pending rewards and make it less visible. Common reasons:
Submit
You have international readers and followers now... Hehehe please help us undestand na,
Downvoting a post can decrease pending rewards and make it less visible. Common reasons:
Submit
Haha Im sorry I have some english translations for that. Lemme pull up that one for you 😊
Downvoting a post can decrease pending rewards and make it less visible. Common reasons:
Submit
ganahanko ani, naa koy bisaya version ani , pwede ra to nako gamiton e.translate sa english version?
Downvoting a post can decrease pending rewards and make it less visible. Common reasons:
Submit
Pwede kaayo @fernwehninja :)
Downvoting a post can decrease pending rewards and make it less visible. Common reasons:
Submit
Maayo ky daaghan nata
Downvoting a post can decrease pending rewards and make it less visible. Common reasons:
Submit
Thank You good post
Downvoting a post can decrease pending rewards and make it less visible. Common reasons:
Submit
Thank you
Downvoting a post can decrease pending rewards and make it less visible. Common reasons:
Submit
Great post there, keep up good work !
This replay was created using STEEMER.NET Alpha ( support STEEMER.NET Transactor / Wallet / Exchange Project here: https://steemit.com/investors-group/@cryptomonitor/steemer-net-steem-blockchain-transactor-for-windows-android-app-funding-update-243-1200-sbd-28-12-2017 )
Downvoting a post can decrease pending rewards and make it less visible. Common reasons:
Submit
I used blocktrade, it's fast and easy! 👍Thank you for sharing this @jassennessaj !
Have you ever thought of making videos either in DTube or YouTube? Cause you're very good in making visual presentations, I know it requires vid editing it just crossed my mind.
Downvoting a post can decrease pending rewards and make it less visible. Common reasons:
Submit
Informative post. I am new here so please guide me follow me.
Downvoting a post can decrease pending rewards and make it less visible. Common reasons:
Submit
wow. thanks @jassennessaj. I though i'd be stucked up with bittrex. hahaha i love this.
Downvoting a post can decrease pending rewards and make it less visible. Common reasons:
Submit
Magaling...natutunan ko ng mag withdraw before
Downvoting a post can decrease pending rewards and make it less visible. Common reasons:
Submit
Thanks for this conprehensive walk through! You make it easier for the Filipinos to be in Steemit
Downvoting a post can decrease pending rewards and make it less visible. Common reasons:
Submit
This is beyond helpful! Especially for newbies like me who do not have account yet in Bittrex. Thank you so much @jassennessaj!
Downvoting a post can decrease pending rewards and make it less visible. Common reasons:
Submit
No worries. Glad it helped you @namranna 😉. Always happy to help the community 😊
Downvoting a post can decrease pending rewards and make it less visible. Common reasons:
Submit
No se ni lo que dices, pero excelente trabajo.
Downvoting a post can decrease pending rewards and make it less visible. Common reasons:
Submit