(1)Mga Likhang Tula: " Mga Bakit ng Buhay"

in buhay •  7 years ago 

65242980-288-k387530.jpgBakit ba minsan ang buhay
Ay tila ubod ng tamlay
Na para bang lahat walang saysay
Problema kung dumating sabay-sabay
Inuubos lakas nating taglay
Na para bang kay sarap nang bumigay
Tulog ay himbingan at tuluyan nang mahimlay

Subalit sa mga pagkakataong ganito
Tila yata tadhana'y mapaglaro
Kamuntikan munang sumoko
Saka naman may darating
Na para bang sagot sa dasal mong maigting
Mga taong animo'y dadamay
Kunwari magbibigay gabay
Hahawakan ka sa kamay
Papasayahin ka nang buong husay
Ngunit sa kabilang dako
Lahat pala'y di totoo
Puro lamang pakitang-tao
Hanggang sa maiwan ka na lamang nakapikit
Patuloy na hinahanapan ng sagot
Ang lahat ng mga bakit

Sa mga pagkakataong ganito
Puso mo'y nalilito
Kakapit ka, pero kanino?
Tiwala mo pa ba'y buo
Nasa maayos pabang lagay ang 'yong puso
O tuluyan kanang linamon
Ng malupit na pagkakataon
Pagkakataong puno ng hamon

Luha mo'y di mapigilan
Dumaloy na nang tuluyan
Dama mo ang sobrang sakit
Dulot ng pait at galit
Saan, kanino ka kakapit?
images.jpeg
Sa kawalan ika'y titingala
Gusto ng humingi ng himala
Subalit puso'y binalot ng pangamba
Takot at mga pagdududa
Puno ng mga katanungan
Katanungang pinipilit hanapan ng kasagutan
Puno ng pangambang baka hindi na kakayanin
Mga problemang muling kakaharapin
Ika'y pipikit na lamang

Dahil sa mga pagkakataong masalimuot
Tuluyan na tayong nakalimot
Pusoy hinayaang mabalot
Ng sakit at poot
Ating nakalimuta't nakaligtaan
May Isang tunay na naglaan
Ng buhay Niyang taglay
Pag-big sa ati'y tunay
At kailanma'y 'lang kapantay
Christ_at_the_Cross_-_Cristo_en_la_Cruz.jpg
Nakalimutan nating Siya'y ipinako sa krus
Nang ang sangkatauha'y matubos
At nang makawala sa gapos
Dahil sa tayo'y mahal Niyang lubos
Kaya't sa lahat ng katanungan
Siya ang gawing sandigan
Nang kapayapaan sa puso'y makamtan
Labanan lahat ng sakit
At sa puso nati'y iukit
Tanging Diyos Ama lamang
Ang nag-iisang dahil
Sa lahat ng mga katanungang bakit
hop4.jpg

Authors get paid when people like you upvote their post.
If you enjoyed what you read here, create your account today and start earning FREE STEEM!