Hindi lingid sa ating kaalaman na may mga batang maagang nauulila dahil magkahiwalay ang kanilang mga magulang o wala na ang kanilang mga magulang. Napakasakit tingnan na sa murang edad ay nauulila na sila na sa batang pag iisip ay namumuhay na sila sa sariling paraan, naghahanapbuhay na sila para sa kanilang sarili para lang mabuhay dito sa mundo, para matustusan ang sarili nilang pangangailangan. Dahil sa wala ng mga magulang na dapat nilang maaasahan, wala ng mga magulang na nagbibigay para sa kanilang kanya kanyang pangangailangan at kahit na nasa murang edad pa lang ay nasasangkot na sa mga gawaing ipinagbabawal.
Nasa murang edad pa lang ay nagumon na sa masamang Gawain para lang mapagbigyan ang sariling pangangailangan, nasisira ang kanilang mga Pangarap sa murang edad pa lang dahil wala ng mga magulang na gumagabay sa kanila sa kanilang paglaki. Wala ng mga magulang na makapagsabi sa kanila na Hindi dapat yan ginawa, wala ng mga magulang na nagsasabi na makakasama yan, kaya sila ay maagang nalihis ang landas sa mga masamang Gawain dito sa mundo dahil sa pakikipag sapalaran, dahil wala ng magulang.
Kaya para sa mga magulang dapat lang na ipadama sa mga kabataan na Mahal silakung gaanu man sila kahalaga sa. Bigyan sila ng kanilang pangangailangan dahil itoy obligasyon mga magulang, Gagabayan sila sa wastong landas, ipadama sa kanila kung gaano sila kaimportante,irespito rin ang kanilang mga disisyon sa buhay.
Wala kayong pakialaman sa kanilang mga disisyon kundi ay nasa tabi lang kayo at handang tumolong sa kanila at handang sumopurta at umunawa sa kanila. Nagkamali man sila o tama sa naging disisyon nila, dahil ang mga magulang ay handang umunawa at magpakumbaba alang alang sa ating mga kabataan, dahil kung lagi natin silang sasalungatin sa kanila disisyon isa na tayo na mga magulang ang nagtulak sa ating mga kabataan para sa kapahamakan.
Kaya sa mga magulang habang kayo ay nabububay pa, kailangan ipadama sa mga kabataan kung gaano sila kahalaga, ipadama sa kanila habang may buhay pa na Mahal sila. Kahit anung yaman mayron kayo anak parin ang pika yaman sa mga magulang. Ipadama sa mga kabataan na sila ang buhay nyo dahil Hindi natin alam kung kailan tayo kukunin ng ating panginuon sa kanila dahil ang buhay ay marupok lamang,at ang buhay natin at alam nating lahat na itoy Hiram lang natin sa ating puong maykapal sya lang ang nakakaalam kung kailan nya babawiin sa atin,kaya habang maaga alam ng ating mga anak na sila mahalaga sa atin.