Paano Magwidraw o Mag cash-out Gamit ang Coins.ph sa Tagalog

in buys •  7 years ago  (edited)

Kamusta? ngayong araw ay gumawa ako nang isang video tutorial kung saan ay matututonan mo kung paano nga ba magwidraw o kaya ay magcash-out gamit ang coins.ph. Ginawa ko tong video na'to para matulongan ko ang mga miyembro nang community namen @steemph.antipolo na hindi pa marunong mag cash-out at siyempre sa mga kapwa ko pinoy na bago lang din sa steemit.

4 Thumb.png

Malaki ang maitutulong nang mga ganitong klase nang video lalo na sa mga nag-uumpisa palang para kapag dumating yung mga sandali na kailanganin na magwidraw o kaya ay mag cash-out kahit sa sarili nyo ay kaya nyo nang gawin. Gumawa din ako nang isang video tutorial kung saan ay matututonan nyo naman kung paano papalitan ang SBD nyo nang BTC o kaya ay Bitcoin gamit naman ang BlockTrades makikita nyo yung link sa baba.



Ang Mga Paraan Kung Paano Magcash-out


  • Una - kailangan nyo muna na magkaroon nang coins.ph account kung wala pa kayong account magsign-up o kaya ay magregister muna kayo sundin nyo lang yung mga paraan kung paano mag sign-up sa coins.ph.

3 Cover.png

  • Pangalawa - Pagkatapos nyo mag sign-up sa coins.ph at meron na kayong account mag log-in kayo sa coins.ph gamit ang email address o kaya ay cellphone number nyo at sympre yung password nyo.

5 Log in.png

  • Pangatlo - Pagkatapos nyo mag sign-in mapupunta na kayo sa coins.ph wallet nyo maraming pwede gawing transaction gamit ang coins.ph hindi lang sya ginagamit para mag cash-out.

6 BTC.png

Ito yung mga sumusunod na pwede mong gawin sa coins.ph

  • Cash In - Sa Cash In pwede kang maglagay nang pera sa coins.ph wallet mo pwede sa pamamagitan nang 7-11, Cebuana or M.L o kaya ay sa mga Banko.

  • Buy Load - Pwede kang mag self reload gamit ang coins.ph mo.

  • Pay Bills - Pwede ka din mag bayad ng mga Bills gamit ang coins.ph gaya nang kuryente, tubig at internet connection at maraming pa.

  • Shop - Pwede mo din gamitin ang coins.ph para bumili online at ipang bayad ang coins.ph account mo.



  • Pangapat - Pagkatapos nyo mapapalitan ang SBD nyo nang BTC gamit ang BlockTrades matatanggap nyo ang BTC sa BTC wallet nyo sa coins.ph.

Kung gusto nyo iconvert ang BTC nyo sa PHP pindutin lang yung BTC at pagkatapos pinduntin yung Convert. Ilagay kung ilang BTC ang icoconvert nyo sa PHP pagkatapos ilagay ang amout sa BTC makikita nyo kung ilang PHP ang makukuha nyo pagktapos ay pinduntin ang CONVERT na button.

7 Convert.png



  • Panglima - Pagkatapos nyo iconvert ang BTC sa PHP makikita nyo sa PHP wallet nyo yung halaga na napalitan pwede nyo na syang icash-out nasa sa inyo kung pa BTC ba o kaya ay pa PHP nyo sya ikacash-out. Para mag cash-out pindutin lang ang cash-out sa bandang itaas. Makikita nyo sa ibaba yung mga sumusunod na gagawin nyo.

8 Cash out.png

  • Method - Pagkatapos nyo pindutin ang Cash-out mapupunta kayo sa Method sa Method mamimili kayo kung saan nyo gusto ipadala o kung saan nyo gustong makuha ang pera nyo pero ang trusted talaga na pinagkukuhaan namen ay sa Cebuana. Pindutin nyo lang yung Cebuana.

9 Cebuana.png

  • Amount - Sa amount magkaanong halaga ang gusto nyong icash-out paalala halimbawa ang PHP nyo ay 700 pesos lang hindi pwedeng eksaktong 700 pesos ang ikacash-out nyo dahil meron syang payout fee or transaction fee makikita nyo ang magiging transaction fee nyo pagkatapos nyo ilagay yung halaga nang PHP. Pagkatapos nyo ilagaya ang halaga nang PHP at sakto naman pindutin lang ang Next Step na button.

10 Amount.png

  • Recipient - Dito sa Recipient kailangan nyong mag fill-up nang impormasyon nang tatanggap ng pera nyo ito yung mga dapat nyong sagotan.

  • First Name

  • Last Name

  • Phone Number

  • Full address / ID

  • Middle Name

11 REcipient.png

Dapat tama lahat ang impormasyon na ilalagay nyo kung ano yung pangalan sa ID na gagamitin nyo dapat tugma sa impormasyon na ilalagay nyo dahil hindi nyo makukuha ang pera nyo kapag magkaiba or mali ang inilagay nyo na impormasyon kung tama ang lahat nang impormasyon na inilagay pindutin ang Complete Payment na button.

  • Pay Order - Pagkatapos pindutin ang Complete Payment lalabas ang Pay order mamimili ka kung anong wallet ang gagamitin mo para sa pagbabayad nang order mo kung BTC ang iyong order pindutin ang BTC wallet, kung PHP naman ang iyong pindutin ang PHP wallet at kung sakto ang inyong order pindutin ang Pay button.

12 Pay.png

Pagkatapos pindutin ang Pay maghintay nang mga 10 minuto hanggang 30 minuto para maproseso ang order nyo pagkatapos ma proseso ang order may magtitext sa inyo impormasyon nang inorder nyo tapos ay pwede nyo na syang kunin kung saan nyo man sya pinadala.



Video


Gumawa din ako nang video tutorial para mas madaling sundan ang tutorial na ito.

Ganito lang ka simple para makapag cash-out gamit ang coins.ph sana ay nakatulong ang video tutorial na ito lalo sa mga kapwa ko pilipino na hindi pa marunong. Maraming Salamat!


Read my previous post here:

Tutorial - How To Exchange The SBD To BTC Using BlockTrades In Filipino

Authors get paid when people like you upvote their post.
If you enjoyed what you read here, create your account today and start earning FREE STEEM!
Sort Order:  

Nice bro.give upvote to this post.can i join steemph-antipolo?

Tagasan po pala kayo sir @cliff79?

Antipolo po

Ah! taga Antipolo din po pala kayo meron po kayong discord account?

Meron po bkit po?

Yehey! Sa wakas may nakita din akong artikulo na sa Tagalog na wika. 😭 😭 ngayong araw.

Salamat @toffer sa iyong pagbabahagi kung paano mag cash-out sa coins.ph harinawa'y maging malaking tulong ito sa mga bago palang sa website.

Lubos namin itong naibigan!

Walang anoman @tagalogtrail.. :)

salamat sa impormasyon sir. laking tulong nito

Your welcome brother @khaker.

Maraming salamat at may guide na akong masundan😊

Maraming salamat ma'am @gyn sana ay nakatulong ang tutorial na ito.

Great tutorial @toffer, malaking tulong ito para sa community members na bago pa lamang at kailangan matuto ng gantong bagay.