May iba't ibang kulay ang pag-ibig, may pula, puti, dilaw, rosas at minsan itim. Maraming nasasaktan, marami din ang sumasaya. Ngunit dulot nito sa iba ay di na nila kilala ang kanilang mga sarili. May iba na ginagamit ang pagmamahal upang makuha ang gusto, may iba naman na ito ang ginagamit na dahilan para saktan ang taong mahal nila.
Ano nga ba ang tunay na kulay na dapat gamitin sa pagmamahal? Ano nga ba ang pag-ibig? Ito ba ay isang laro na sa huli ay pwede kang magsabi na ayaw mo na kasi pagod kana, o ito ba ay parang isinubong mainit na kanin 'pag napaso iluluwa mo.
Ano nga ba talaga ang ibig sabihin nito? Hindi halos masukat ang ibig sabihin ng salitang ito. Kahit mga matatalinong iskolar hindi masagot ito. Dahil minsan nagtataglay ito ng maitim na kulay at nagdadala ng kirot sa puso.