Ang @steemph.cebu ay kabilang sa proyektong itinatag ng @sndbox, ang "proyektong sndcastle". Bilang isang sndcastle, gusto ng @steemph.cebu na gumawa ng mga uri ng paligsahan o patimpalak kung saan maipapakita ng mga Pilipinong Steemian ang kanilang kakayahan sa pagsulat ng kahit anong klase ng literatura. Ito rin ay isang paraan para magkaroon ng interaksyon ang mga Pilipino sa isa't isa. Hinihikayat namin ang lahat na Pilipinong Steemian na lumahok sa mga paligsahang bubuohin namin sa Steemit. Ito ay para sa inyo! Palawakin ang Wikang Filipino!
Kami ay lubos na nagagalak dahil sa pinakitang dedikasyon ng mga Pilipinong sumali sa aming patimpalak. Naipakita ninyo ang inyong angking galing sa matalinghagang pagsulat at ang inyong pagkamalikhain sa temang binigay at uri ng sulatin.
Hindi man gaano karami ang nagsumite ng kanilang mga gawa, lubos parin ang aming tuwa dahil may mga Pilipinong gustong matuto ng ibang gawain at magkaroon ng ibang paraan para makuha ng biyaya sa steemit. Asahan niyong tuloy-tuloy ang aming mga proyektong gustong ipamahagi sa mga Pilipino.
Kaya ito na ang mga mapapalad na napili at mananalo ng karagpatang gantimpala
1st place - Gawa ni @johnpd na makakatanggap ng 5 SBD
Literaturang Filipino : Sampung Segundo
Kabisadong-kabisado niya ang tatahaking daan patungo sa paroroonan. Araw-araw niya ginagawa ito. Mamimili ng pulang mga rosas pagkatapos ay didiretso sa puntod ng asawa. Tatlong daan at limampu't walong araw na niya ginagawa ang bagay na iyon.
2nd place - Gawa ni @rodylina na makakatanggap ng 3 SBD
Literaturang Filipino : Angel na tagapag-alaga
Hindi siya pinansin ng kaniyang Lola sa sinabi niya. Tinungo nila ang upuang nakapangalan na sa pala sa kanila, hindi na maaaring mamili pa. Bago mag-umpisa ang byahe nila ay taimtim na nagdasal ang batang lalake sa Lumikha na ingatan sila sa kanilang byahe.
3rd place - Gawa ni @nikkabomb na makakatanggap ng 2 SBD
Literaturang-Filipino: Grasya na disgrasya!
Si Grasya ay ang kaisa-isang anak ni Aleng Tiya. Sila ay nakatira sa isang liblib na baryo na kung tawagin ay Kapos. Milya-milya ang layo ng bayan sa kanilang maliit na baryo kaya si Grasya ay hindi nabigyan ng pagkakataon na makapag-aral sa sekundarya. Ganunpaman, siya'y lubos na nasisiyahan sapagka't mayroon namang elementarya sa kalapit na baryo.
4th place - Gawa ni @filipino-poetry na makakatanggap ng 1 SBD
Literaturang Filipino : Ang Anghel Nang Aking Buhay (HANGO SA TUNAY NA PANGYAYARI)
Isang maaliwalas na panahon ang bumati sa aming mag-lola. O kay sarap pagmasdan ang aking bibo at masayahing apo. Mababakas sa kanyang bawat ngiti at lundag ang tunay na kaligayahan buhat sa bertdeyan na aming pinuntahan. Binabagtas namin ang gilid ng kalsada kasabay ang mga sasakyang abala sa kanilang pagtakbo. Kami’y tumigil sa guhit na puti, ang tamang tawiran upang makarating ng ligtas sa kabilang dulo. Ang hindi namin alam, sa ikalawang hakbang ay magbabago ang lahat.
5th place - Gawa ni @bitterpie na makakatanggap ng 1 SBD
Literaturang-Filipino: Himala ng Pagbabago
Si Teresa ang nag-iisang anak ng kanyang Ina na si Gloria. Wala na siyang ama dahil iniwan sila ng kanyang ina habang nasa sinapupunan pa si Teresa. Kaya labis na galit ang naramdaman ng kanyang puso ng pinatay ang kaniyang Ina.
Congratulations sa inyo at Maraming Salamat!
Sa mga hindi pinalad na manalo, maraming salamat dahil naging parte kayo sa paligsahan at naipakita niyo ang angkin ninyong galing sa pagsulat ng wikang Filipino. Naway mapaunlad pa ninyo ang inyong kakayahan sa pagsulat at sumali ng sumali sa mga magaganap pang patimpalak hanggang manalo na.
Narito ang Bagong Patimpalak
Ano ang isusulat?
Maikling Kuwento
Kuwento na maaaring totoo o fiction lamang. Hindi dapat lalagpas sa 500 na salita at hindi bababa sa 300.
Tema ng Maikling Kuwento
Karahasan
Ito ay mga kuwentong nagpapahayag ng mga karahasan na nangyari sa buhay ng may akda. Maaari ring tungkol sa isang bagay na fiction o hindi-fiction na kaugnay sa karahasan na tema ng paligsahan.
Mga Alituntunin na dapat sundin sa pagsali
- I-resteem at i-upvote itong post.
- Ang gawang literatura ay dapat isulat sa wikang Filipino
- Gamitin ang tag na #literaturang-filipino at #karahasan
- Ilagay sa pamagat ang: "Literaturang Filipino"
- Gumawa lang ng isang nilalaman o gawa.
- Ilathala ang gaw sa loob ng 6 na araw pagkatapos malathala ang anunsyo.
Higit sa lahat, Sundin ang mga alituntunin sa pagsali!
Pagbabasehan ng Mananalo
Ang pagbabasehan ng mananalong gawa ay:
- Dami ng mga salita o pangungusap o parilalang ginamit.
- Ganda ng pagkagawa
- Kaugnayan sa Tema o Paksa at
- Dami ng boto galing sa ibang Pilipino
Gantimpala
May tatlong mananalo sa paligsahan:
- 1st - Makatatanggap ng 5 SBD
- 2nd - Makatatanggap ng 3 SBD
- 3rd - Makatatanggap ng 2 SBD
Layunin ng @steemph.cebu na maibuklod ang kumunindad ng mga Pilipino sa buong Steemit. Suportahan ang @steemph.cebu at ang @sndbox.
Di ko inakala na magkakaganito
Wala namang nagsabi na mananalo ako
Di ko rin naman inaasahang maintindihan
Alam naman nilang wala akong pakialam
kung san man tutungo
At kung kailan ba hihinto
Kung bukas man o bukas pa tuluyan nang tapusin ang katha
lyrics po yan ng kantang Saan Man Patungo ng Parokya ni Edgar. medyo iniba ko lang ng konti para bumagay ang tema sa pagsusulat. isa po yan sa inspirasyon ko habang isinusulat ko ang maikling-kwento. hindi ko iniisip na manalo, ang iniisip ko lang ay matapos ko ung gawa ko at ma-enjoy ko ang pagkukwento. pero mahal tayo ng panginoon. nadinig nya siguro na nangangailangan ako ng suportang pinansyal sa ngayon. malaking halaga ang 5SBD para sa akin. dahil madalas pa sa madalas, hindi lumalagpas sa 1SBD ang nakukuha kong pabuya sa mga bumoto sa mga gawa ko.
nagpapasalamat ako sa aking mga kapwa manunulat, @rodylina @beyonddisability @acinad at sa ilang piling kaibigan @ruah @toffer @mariejoyacajes @juviemaycaluma @rojellyannsotto @julie26 mga patuloy na humihikayat at sumusuporta sa akin. higit sa lahat, ang naging daan para malaman ko na may patimpalak pala na ganito, si Toto @tagalogtrail
hindi naman Palanca award ang napanalunan ko pero napakahaba na yata ng naging pahayag ko.
muli, nagpapasalamat po ako @Steemph.Cebu
Mabuhay po ang inyong mabuting adhika.
Mabuhay ang Wikang Filipino
Mabuhay ang mga manunulat ng tagalog.
~lubos na gumagalang, ate Charo, ay este @johnpd po pala.
Paa sa lupa 👣
Mata sa langit 👀
Downvoting a post can decrease pending rewards and make it less visible. Common reasons:
Submit
Hahaha'... wala magaling ka talaga eh',nailabas mo dito skills mo sa pagre-recruit este pagsusulat pala,hahaha'... peace pareng @johnpd! Deserve mo yan,magaling ka lang talaga (slow clap)...
Downvoting a post can decrease pending rewards and make it less visible. Common reasons:
Submit
Funny ka po talaga @johnpd kaya haya ako sayo, magaling kang mag-isip at magsulat
Downvoting a post can decrease pending rewards and make it less visible. Common reasons:
Submit
natawa ako dun sa dulo eh nagmamahal ate charo hehehe ,, Congrats @johnpd
Downvoting a post can decrease pending rewards and make it less visible. Common reasons:
Submit
haha may pa tawag si @johnpd! nako may patimpalak ulit agad. Paano kaya gagawin ng kwelang si Jampol ang marahas na eksena 😂
Downvoting a post can decrease pending rewards and make it less visible. Common reasons:
Submit
maraming salamat @steemph.cebu sa isang magandang patimpalak.
Downvoting a post can decrease pending rewards and make it less visible. Common reasons:
Submit
Maraming-maraming salamat po @steemph.cebu, di ako makapaniwala na isa ako sa mga nanalo. Natanggap ko na rin ang gantimpala. Nawa po ay magkaroon pa kayo ng ganitong patimpalak upang mahikayat ang mga manunulat sa wikang Filipino, para na rin matuklasan at mas malinang pa ang kanilang mga talento sa paggawa ng obrang Filipino.
Congrats din po sa lahat ng mga nanalo lalo na po sa kampyon na si @johnpd
Downvoting a post can decrease pending rewards and make it less visible. Common reasons:
Submit
Congrats sa mga tropa na nagwagi sa patimpalak!
Downvoting a post can decrease pending rewards and make it less visible. Common reasons:
Submit
Congrats @rodylina and @johnpd sasusunod naman kasama na si ateng @beyonddisability sa mananalo.
Downvoting a post can decrease pending rewards and make it less visible. Common reasons:
Submit
Sigurado na yan. Salamat
Downvoting a post can decrease pending rewards and make it less visible. Common reasons:
Submit
char..sabi nga @johnpd. Isang kaligayahan ang sumulat..haha bawi ako next time
hindi nanalo yung puting bag Luios Vuitton kasi hahahahah
halos parehas ng mananalo yung bet kong mga manalo ....
may isang bet lang ako na hindi napili
Downvoting a post can decrease pending rewards and make it less visible. Common reasons:
Submit
magsisali kayo dito @ailyndelmonte
Downvoting a post can decrease pending rewards and make it less visible. Common reasons:
Submit
Dito @ailyndelmonte
Downvoting a post can decrease pending rewards and make it less visible. Common reasons:
Submit
Ito po ang entry ko: Karahasan sa Aso
Sana po ay inyong maibigan 😊😊😊
Downvoting a post can decrease pending rewards and make it less visible. Common reasons:
Submit
Salamat sa iyong entry. Nakakalungkot na karahasang kuwento. 👍👍
Downvoting a post can decrease pending rewards and make it less visible. Common reasons:
Submit
Sinagip naman ni Minda si Teryo. Wag ng mag alala
Downvoting a post can decrease pending rewards and make it less visible. Common reasons:
Submit
@steemph.cebu , please rephrase
hindi aabot sa 500 na salita
because some people are compensating the rules, although they could do more than that, but followed the rules.
Clarify lng ko. Thanks
Downvoting a post can decrease pending rewards and make it less visible. Common reasons:
Submit
The judge will not base on the length of the content, rather the content itself. If the participants abide the rules they will have a higher percentage of winning. But still, the decision is still subjective. Please be guided. Thanks!
Downvoting a post can decrease pending rewards and make it less visible. Common reasons:
Submit
Got it! Thank you for the reply 😊 .
Downvoting a post can decrease pending rewards and make it less visible. Common reasons:
Submit
Hi po ito po ang aking entry. Naway magustuhan niyo po
Literaturang-Filipino:Karahasan sa Kalikasan
Downvoting a post can decrease pending rewards and make it less visible. Common reasons:
Submit
congrats sa mga nanalo lalo na po kay @johnpd at @rodylina... ang galing powers.
Downvoting a post can decrease pending rewards and make it less visible. Common reasons:
Submit
Salamat
Downvoting a post can decrease pending rewards and make it less visible. Common reasons:
Submit
Congratulations @steemph.cebu! You have completed some achievement on Steemit and have been rewarded with new badge(s) :
Award for the number of comments
Click on any badge to view your own Board of Honor on SteemitBoard.
For more information about SteemitBoard, click here
If you no longer want to receive notifications, reply to this comment with the word
STOP
Downvoting a post can decrease pending rewards and make it less visible. Common reasons:
Submit
Congratulations @steemph.cebu! You have completed some achievement on Steemit and have been rewarded with new badge(s) :
Award for the number of upvotes
Click on any badge to view your own Board of Honor on SteemitBoard.
For more information about SteemitBoard, click here
If you no longer want to receive notifications, reply to this comment with the word
STOP
Downvoting a post can decrease pending rewards and make it less visible. Common reasons:
Submit
Hello po @steemph.cebu! Gusto ko lang po magtanong. Okay pa po ba magsumite ng entry para sa Contest#6 bukas (Tuesday - ika anim na araw mula sa paglathala)?
Downvoting a post can decrease pending rewards and make it less visible. Common reasons:
Submit
Puedi pa miss @khiera :P
Downvoting a post can decrease pending rewards and make it less visible. Common reasons:
Submit
hi magandang araw, ito po ang aking entry para sa Literaturang Filipino: Karahasan
Downvoting a post can decrease pending rewards and make it less visible. Common reasons:
Submit
https://steemit.com/literaturang-filipino/@bitterpie/235v2x-literaturang-filipino-kabutihan-sa-likod-ng-karahasan-giyera-sa-marawi
entry ko po sa patimpalak
Downvoting a post can decrease pending rewards and make it less visible. Common reasons:
Submit
kung kaya pang ihabol, ito po ang aking entry para sa patimpalak na literaturang filipino na may tema ng KARAHASAN
https://steemit.com/literaturang-filipino/@johnpd/literaturang-filipino-daily-horrorscope
Downvoting a post can decrease pending rewards and make it less visible. Common reasons:
Submit
ito po ang aking ilalahok sa inyong patimpalak na may temang karahasan.
https://steemit.com/literaturang-pilipino/@beyonddisability/ang-bunga-ng-binhi
Downvoting a post can decrease pending rewards and make it less visible. Common reasons:
Submit