Kami ay lubos na nagagalak dahil sa pinakitang dedikasyon ng mga Pilipinong sumali sa amiing unang patimpalak tungkol sa paggawa ng tula na may temang pagkamakabayan. Naipakita ninyo ang inyong angking galing sa matalinghagang pagsulat at ang inyong pagkamalikhain sa temang binigay at uri ng sulatin.
Hindi man gaano karami ang nagsumite ng kanilang mga gawa, lubos parin ang aming tuwa dahil may mga Pilipinong gustong matuto ng ibang gawain at magkaroon ng ibang paraan para makuha ng biyaya sa steemit. Asahan niyong tuloy-tuloy ang aming mga proyektong gustong ipamahagi sa mga Pilipino.
Kaya ito na ang mga mapapalad na napili at mananalo ng karagpatang gantimpala
1st place - 5 SBD - Literaturang Filipino: Ang Alamat ng Paniki - Gawa ni @ejnavares
Noong unang panahon kung saan lahat nang hayop na panghimpapawid ay magkakasama pang naninirahan. May isang lahi ng nilalang na kung tawagin ay paniki. Sila ay namamahay sa napakalaking puno na kilala bilang punong pugad sa dulo ng pangpang. Ito ay pinangungunahan ng lipon ng mga kuwago bilang mga tagapayo. Habang ang mga agila ang siyang pinuno sa sandatahang hukbo. At ang mga paniki naman ang nagsisilbing mga sundalo.
2nd place - 3 SBD Literaturang-Filipino : Ang Makulit naming aso na nag ngangalang Tope - Gawa ni @jayparagat
Ito si Tope ang aming makulit na tuta, siya ay may lahi na Japanese Spitz at Aspin, nakuha niya ang ugali ng kanyang ina na isang Japanese Spitz at ang hubog ng katawan at balahibo ay sa ama nyang Aspin(Asong Pinoy). Kapag tinatawag si Tope sa kanyang pangalan ay lalapit siya sa iyo at ang buntot ay gumagalaw na nag papahiwatig ng kagalakan
3rd place - 2 SBD - Literaturang Filipino : Ang Paglalakbay ni Pedrong Pagong - Gawa ni @thonnavares
Ang buhay niya ay sadyang karaniwan at tila madaling makini-kinita sapagkat pabalik-balik lang ang kanyang gawain sa araw-araw. Paggising sa umaga, siya’y maglilinis sa sarili. Pagkatapos, maghahanda siya ng agahan at kakain. Siya’y magkakape malapit sa bintana ng kanyang kubo habang nakatanaw sa bundok kung saan sumisikat ang araw na siyang hudyat sa simula ng kanyang trabaho sa bukid. Ilang minutong paglalakad ang kanyang ginugugol para makarating sa bukid kung saan siya nagtatanim at nag-aani ng palay. Kapag papalubog na
4th and 5th - 1SBD each
Literaturang-Filipino : "Ang pusang nakulong" (Totoong kwento ni @chuuuckie) - @chuuuckie
Literaturang Filipino: Ang mahiwagang kubo ni Ginoong Aso - @jenel
Congratulations sa inyo at Maraming Salamat!
Sa mga hindi pinalad na manalo, maraming salamat dahil naging parte kayo sa paligsahan at naipakita niyo ang angkin ninyong galing sa pagsulat ng wikang Filipino. Naway mapaunlad pa ninyo ang inyong kakayahan sa pagsulat at sumali ng sumali sa mga magaganap pang patimpalak hanggang manalo na.
Antabayanan ang aming susunod na patimpalak!
maraming maraming salamat po sa inyo! 😊😊😊😊
Downvoting a post can decrease pending rewards and make it less visible. Common reasons:
Submit
Wet..wew.. salamat @steemph.cebu sa paligsahang ito naway maraming pang paligsahang darating at ng mabigyan ng tsansa ang ibang steemians.. god bless sa inyo..
Downvoting a post can decrease pending rewards and make it less visible. Common reasons:
Submit
Sabi na ang Alamat ng Paniki ang mananalo! Ang ganda ng pagkaka gawa ni @ejnavares
Downvoting a post can decrease pending rewards and make it less visible. Common reasons:
Submit
salamat po ulit sa papuri.
Downvoting a post can decrease pending rewards and make it less visible. Common reasons:
Submit
Salamat steemph.cebu sa pagkilala sa aking gawa. Lubos po akong nagpapasalamat sa patimpalak na inyong inorganisa. Salamat.
Downvoting a post can decrease pending rewards and make it less visible. Common reasons:
Submit
Congratulations to all the winners. And thank you @steemph.cebu
Downvoting a post can decrease pending rewards and make it less visible. Common reasons:
Submit
Pliss follow back
Downvoting a post can decrease pending rewards and make it less visible. Common reasons:
Submit
Thank you @steemph.cebu , sa susunod muli :)
Downvoting a post can decrease pending rewards and make it less visible. Common reasons:
Submit