WHEN GOD TURNED A HEALTH BATTLE TO A LIFE TESTIMONY

in covid •  3 years ago 

Sharing my family's pandemic experience...COVID is C O V I D and not J O K E.

WHEN GOD TURNED A HEALTH BATTLE TO A LIFE TESTIMONY.
Pasensya na po mahaba ito.

It was in mid-June when one of our family members started experiencing Covid-19 symptoms. He was immediately tested and turned out Covid-19 positive. All of us in our household were then swabbed and 6 of us including 4 kids (2 of them are just 2 yrs old) turned out positive as well. Even if we were all starting to manifest symptoms, we were still thankful that the kids are almost asymptomatic while Che and I only had 1 day of fever and colds but we eventually lost sense of taste and smell.

Ang buti lang talaga ni Lord dahil si nanay and tatay parehong negative and si Ice na may history ng pneumonia ay negative din. We thought malalagpasan namin ito ng walang naoospital sa amin but just when we were about to finish our 14-day isolation period, nakaramdam ako ng kakaiba sa katawan ko.

I am 17 weeks pregnant and having contracted the virus caused me so much stress. Iniisip ko yung effect ng covid sa unborn child ko at yung well-being ng 2 ko pang kids, actually lahat kami sa bahay inaalala ko. After my WFH shift, my right eyes started twitching non-stop and I started to see flickering lights. Parang may built-in Christmas lights sa mata ko then come evening, yung left arm ko nagstart na rin gumalaw mag-isa uncontrollably hanggang lumala na ng lumala ung paggalaw. Saturday midnight nung magising ako dahil sa sobrang paninigas ng left arm ko hindi ko macontrol hanggang sa nawalan na ako ng malay. Nagising na lang ako that my mother was crying, my father was praying and aligaga sila sa paligid ko dahil nagseizure daw ako. Nanigas ang katawan, nangitim at bumula ang bibig. Paggising ko wala akong kaalam alam at antok na antok lang ako. Nakatulog ulit ako and maliban sa palala ng palalang movement ng arm ko, wala na akong ibang naramdaman sa buong araw. Tatay told us na sa baba ulit matulog mag-anak para mamonitor nila ako. In my mind, something is happening sa brain ko and I was so scared, scared for my unborn baby and scared na mawalan agad ng nanay yung 2 ko pang anak so I prayed and pleaded God to keep me safe. Nakatulog ako pero nagising ako na naninigas na naman yung left arm ko. The only thing I remember was hearing my husband shouted "HON, HON".

After almost an hour, I woke up seeing all of my family's worried faces. According to them, nagseizure ulit ako. Nanigas, Nangitim ang katawan, nagtirik ang mata at bumula ang bibig. Come morning. nagdecide na sila na umuwi kami ng Pasig para makakuha ng clearance. Hindi nila ako mapacheck-up agad kasi nasa 14th day pa lang kami ng home quarantine and we know na hindi ako basta basta tatanggapin sa ospital if they knew na Covid positive ako.

We went to PCCH to ask for reswab and medical clearance. Nung nalaman nila na ngseizure ako, they immediately ordered na na maconfine ako at agad agad nagsagawa sila ng iba't ibang tests sa akin. They told me I had Pneumonia. Wala akong ubo or sipon that time pero may Pneumonia ako. They ordered for an MRI Cranial scan.

I again prayed to the Lord, and asked Him for strength, calmness and favorable result ng MRI. Ang buti ni Lord kasi it turned out na normal ang utak ko kahit sabi ng asawa ko matagal niya ng naconfirm na may sapak ako. 😃.

The doctors told us na pwede kong ikinamatay yung mga seizure episodes ko. I've had electrolyte imbalance. Lahat ng minerals ko sa katawan like magnesium, calcium, sodium and potassium nasa minimum ung iba nasa below minimum range. It was like my body was slowly shutting down and it all caused the seizures.

Had my family waited for another seizure episode sa bahay, hindi ko sigurado kung maikkwento ko pa ngayon to. We thought na dahil pregnant ako, eto yung effect sa akin ni Covid. Kaya I urge everyone lalo na yung may comorbidities to take Covid seriously. You'll never know kung paano niya aatakihin yung katawan mo.

We work from home, lumalabas lang kami pag kailangan at maingat kami with following the health protocols dahil nga madami kaming kids sa bahay pero tinamaan pa rin kami.

Na-amaze lang ako kasi kahit nagkukulang ako sa Panginoon sa ministry at sa maraming kaparaanan, nanatili Siyang tapat sa pangako Niya na lagi Niya tayong sasamahan. Ang dami Nyang taong ginamit to remind me that He is with me. He gave me all the calmness and peace that I need sa kabila ng stressful na sitwasyon. He gave me just exactly the right people to look after me.

Above all, I will proclaim na He gave my baby all the protection he/she needed. Never ako nakaramdam ng pain sa pelvic ko at always okay ang heartbeat ni baby. Sobrang thankful ako sa Lord hindi ko macontain kaya pasensya na po that I had to share this long story to all of you.

I praise God for the lives of the people who made time to check-in on me and assure me that they are praying for my recovery. Nagulat ako kasi yung iba hindi ko ineexpect but took the time to ask me how they can pray for me. Salamat sa mga kapamilya, tita, tito, pinsan, previous classmates and officemates, friends na nagchat sa akin assuring me that I will be okay. Alam nyo kung sino-sino kayo and I pray that God will bless your lives.

Thank you Jill Juan sa pagpapadala ng masasarap na foods. You didn't have to do that pero sobrang naappreciate naming mag-asawa ung concern mo. Thank you din sa TU for comforting Mar-An.

Thank you din po Ninong Louisito dela Cruz and Ate Deborah Tuliao sa mga pabigay at pagmamahal nyo.
I also thank the Lord for our healthcare workers and frontliners especially those who are from Pasig City Children's Hospital and sayo Ate Rachel Provido sa pagsagot ng mga tanong ko. Sobrang taas ng respect ko sa inyo dahil nakita ko mismo yung hirap ninyo everyday sa pag-attend sa needs ng Covid patients knowing all the risks, never ko kayo nkitaan ng disgust sa faces nyo. Thank you din po Dra. Ann Somatiza for accomodating us with our online consultations and sa pagpush sa amin na ayusin yung Philhealth status namin. You just helped us save 40k sa hospital bills.
I am so thankful for my spiritual family and the churches who prayed for me. Thank you Blessed Life UNIDA Church and Palatiw Unida Evangelical Church.

Thank you po as always sa aking second family, ang Santos-Cruz-Escoplo family pati sayo ate Cora sa pag-accomodate kay Mar at Tatay ng isang buong linggo at sa pagpprovide ng damit namin. Umuwi kasi kami sa Pasig na sarili lang namin dala namin. Higit sa lahat, salamat sa prayers at pagmamahal nyo sa asawa ko kahit alam ko nabubugnot na kayo kay Mar hahaha.
Nagpupuri ako sa Diyos sa recovery ng buong pamilya namin. Sa pamilya ko na nag-alaga sa akin at nagdesisyon para sa akin sa mga panahon na wala ako sa tamang state. Sa love and concern nyo and for just being the reason for me to stay alive.

Above all, thank you Lord for blessing me with another chance to live and for Your goodness sa family namin. Pang-ilan na namin to pero sa lahat ng battles namin, ikaw Panginoon ang lagi namin kasama. I love you Lord!
#CovidkalangMayLordKami

Authors get paid when people like you upvote their post.
If you enjoyed what you read here, create your account today and start earning FREE STEEM!