Bagong Simula Ng Negosyo - Alodia's Crochet

in crafts •  7 years ago 

Isang napaka- gandang araw sa ating lahat mga Steemians! Kumusta na po kayong lahat! Narito po ako upang muling magbahagi ng aming mga ginawa nitong mga nakaraang mga araw!

Ano na nga bang nangyari sa aming maliit na negosyo? Hmmmm???
Nasa kasalukuyan pong kaming gumagawa ng aming mga produkto at kasalukuyang pina-plano kung paano namin mapapalago ang aming maliit na negosyo. Wala akong alam sa salitang "Negosyo" pero susubukan kong maging matagumpay upang makatulong ako sa aking pamilya at para mapatunayan ko rin sa aking sarili na kaya kong tumayo sa sarili kong mga paa kahit na magkaibang- magkaiba ang kursong kinuha ko sa linya na ginagalawan ko ngayon.

Sa ngayon po gusto kong ipakita sa inyo ang mga finished products na aming mga ginawa nitong mga nakaraang mga araw. Binabalak po talaga namin na gumawa ng sarili naming trademark dito sa Gensan, sa kagustuhang makilala ang aming mga produkto, panay ang post namin sa aming mga facebook pages at instagram. Sa katunayan nga eh medyo sumusuko na ako ng bahagya dahil sa hindi pa kami nakakakuha ng good results sa aming mga ginagawa per nga diba dapat "WAG MAWALAN NG PAG-ASA".

So eto na nga po talaga mga kaibigan, gusto kong ipakita sa inyo ang mga likhang kamay na ginawa po talaga ng may pagmamahal. Sa tulong ng aking sister-in-law, at sa mga ideya na aming tinagpi- tagpi ito na po ang aming mga nabuo.

Ang mga materyales na ginamit namin dito ay ang mga native products tulad ng mga basket na gawa sa kawayan na nabili namin sa palengke. Gumawa kami ng paraan para mapaganda namin ito sa pamamagitan ng pagantsilyo ng mga desenyo na nailagay namin dito.

Ginawa namin ito, dahil napagtanto namin na unti-unti na nga naman talagang nawawala ang mga ganitong mga bagay at isa rin po ito sa mga adhikain namin na patuloy na maibalik ang mga likhang kamay.

Nagmukhang kaaya-aya ang mga produktong ito dahil sa mga idinagdag naming mga desenyo. Sang-ayon nga ba kayo sa aking mga sinasabi? Marami na ngayon ang nabibili na lamang sa mall, at karamihan sa mga souvenirs na ibinabahagi sa tuwing my okasyon ay magkakatulad.

Ang mga produktong ito ay binebenta namin sa mga murang halaga lamang. Sa halagang 50.00 mayroon kanang isang unique na souvenirs. At nagbibigay po kami ng discount lalo na kung marami ang bibilhin sa amin.
Nakapost na po ito sa aming
Facebook Page: Alodia's Crochet Corner at Instagram account: Alodia's Crochet Collection

Patuloy po sana ninyong suportahan ang likhang kamay, gawang pinoy. Maraming Salamat po. Hihingi din po sana kami ng kaunting pabor. Pwede niyo po bang bisitahin ang mga sumusunod na link at paki- like na rin po ang aming mga pages. Muli ay maraming salamat po :)

Facebook Page: Alodia's Crochet Corner at Instagram account: Alodia's Crochet Collection

Authors get paid when people like you upvote their post.
If you enjoyed what you read here, create your account today and start earning FREE STEEM!
Sort Order:  

Ang ganda po ng inyong gawa.
Nasubukan nyo na po ba ito ipost sa mga buy and sell groups?
Karamihan po sa mga naghahanap ng souvenirs ay dumidiretso sa buy and sell groups para sa kumpletong impormasyon ng mga bibilhin
Nakakagalak po ang inyong adhikain na ibalik ang mga gawang kamay na tatak Filipino :)

salamat po ;)

Ang blog pong ito ay napili ng @likhang-filipino dahil sa napakainam na mensaheng hatid nito. Ito po ay aming itatampok sa arawang edisyon ng Likhang Filipino sa Steemit. Kayo po ay makatatanggap ng reward mula sa blog ng @likhang-filipino akawnt bilang benepesyaryo ng pay out. Ipagpatuloy po natin ang paglikha ng mga akda sa wikang Filipino. Maaari rin po ninyong gamitin ang tag na "likhang-filipino" para sa susunod ninyong akda sa sarili nating wika.

Marami pong Salamat


Such cute ideas🧡 i found your post from your craft tag😉 i am a big crafter as well and once in a while look over my own tags and upvote the great crafters on here because i dont think we get the credit deserved. Keep up the great work.

hi thanks for the appreciations :) Only crafters will understand the happiness and how much love and effort we put in to it ;)