C² Pilipinas Curation | Tampok sina @looserwin at @justnyz [Filipino Language]

in curation •  6 years ago 


C Squared Logo Transparency wide.png


Magandang buhay Pilipinas! Narito ako ngayon para ibahagi ang ilang mga mahuhusay na Pilipinong Steemian na patuloy na gumagawa ng mga makabuluhan, kamanghamangha at kahanga-hangang mga akda.

Simulan na natin sa nakalilibang na mga comics ni @justnyz.
Resolution | @justnyz
image

Kung gusto mong tumawa at humanga, basahin mo ang mga gawa niya. Malilibang ka nang husto sa karakter na ginawa niya - si Sambie. Sundan mo ang mga adventure ni Sambie sa kaniyang mga comics. Marami rin iba pang mga obra si @justnyz na talaga namang nagpapakita ng kanyang husay bilang isang artist.

Yaman din lamang na napag-usapan amg comics, atin na ring itanghal ang isa pang pinoy Steemian na nagpapamalas din ng kanyang husay at talento.
Cry | @looserwin
image

Ramdam sa kanyang obra ang mga emosyon na kaniyang sinasaloob habang ginagawa niya ito. Ang nakadaragdag sa kagandahan ng kanyang gawa ay ipinakikita niya ang mga pinagdaanan ng kaniyang drawing. Kung nais mong matuto ng paggawa ng comics, sundan mo ang kanyang mga gawa. Halos araw-araw ay may bago siyang obra dahil sa 30 day challenge na kaniyang ginagawa ngayon.

Maraming salamat sa pagbabasa kabayan! Abamgan ang mga susunod pang edisyon ng C2 Pilipinas kung saan ating itatanghal ang mga awtor at artist na patuloy na nagbabahagi ng kanilang talento.

Hanggang sa muli!

-@romeskie

Ang mga larawan ay nagmula sa mga artist na nakafeature sa edisyon na ito.


Ang rewards ng post na ito ay mapupunta sa may akda at sa mga itinanghal na awtor/artist | The payouts for this post will be evenly split between the author and the featured authors/artists.

Authors get paid when people like you upvote their post.
If you enjoyed what you read here, create your account today and start earning FREE STEEM!
Sort Order:  

This post was shared in the Curation Collective Discord community for curators, and upvoted and resteemed by the @c-squared community account after manual review.
@c-squared runs a community witness. Please consider using one of your witness votes on us here

Maraming salamat po sa inyo!

Sorry ngayon ko lang nakita, maraming salamat po @c-cubed at @romeskie.