PATUNGO SA TAGUMPAY NANG PANGARAP

in education •  7 years ago 

Bilang magulang pangarap nating makatapos ang ating anak at matupad ang kanilang mga pangarap sa buhay, dahil ito ang paraan para sa kanilang magandang kinabukasan. noon lagi kong naririnig ang sinasabi nang mga magulang na dapat mag aral dahil lang ang ating kayamanan na kailanman man hindi ito mananakaw nang iba.

Tungkulin nating mga magulang na suportahan ang ating mga anak sa kanilang pag-aaral kahit gaano man ito kahirap. sapagkat tungkulin natin at responsibilidad natin na bigyan sila nang magandang edukasyon. meron namang iba sa kabila nang kahirapan pinipilit pa rin na makatapos. ang iba ay namamasukan kung gabi at nag-aaral sa araw at ang iba naman ay nag-aaply bilang isang working student para lang matustusan ang kanilang pag-aaral. dahil hindi naman lahat sa atin ay nanggaling sa mayayaman na pamilya.

Kahapon ay nagtapos ang aking panganay na anak sa elementarya at bilang magulang labis labis ang aking tuwa dahil nagbunga din ang kanyang pagpupursigi sa kabila nang kahirapan, kami ay mayroon lamang payak na pamumuhay subalit minsan anu man ang kakulangan sa kanyang pangangailangan ito ay hindi naging hadlang upang magpatuloy mag-aral. Hindi maitatanggi ang tuwa na nadarama sa tuwing tawagin ang kanyang pangalan para sa isang award. lahat nang paghihirap at pag-aaral sa loob na anim na taon ito ay nasuklian nang tagumpay. siya ay nakatanggap bilang with High honor at Academic excellence award. kaya bilang magulang kailangan suportahan natin ang ating anak sa abot nang ating makakaya.29790321_1587967071250647_2102185395282099794_n.jpg

Authors get paid when people like you upvote their post.
If you enjoyed what you read here, create your account today and start earning FREE STEEM!