Edukasyon ang tangi kong maiwan

in edukasyon •  7 years ago 

Hindi namin inaasaan na ang pagtatapos niya ng elementarya ay makatanggap siya ng award,dahil Simula grade 1 hanggang grade 5 ay nasa slow section siya at sa totoo lang lahat ng grades niya ay nasa line of 7,kaya sa pagtatapos niya ngayon bilang mangulang Hindi ko inaasahan na siya makatanggap ng award ang sa akin lang ay makapagtapos ay sapat na sa akin,nong nakita ko na may award siyang natanggap nasorprisa kami at para akong naiiyak dahil sa achievement na ito,bilang isang magulang may matanggap mang parangal o wala ang pagtatapos ay sapat,pero iba ang nararamdaman ng isang magulang kung nakatanggap ng parangal ang isang anak,bilang magulang sobrang proud,dahil kahit na sa sobrang hirap ng buhay namin ngayon ,nagtyaga parin para sa kanya pag aaral,minsan nga pumasok sa paaralan na walang baon,dahil sa hirap ng hanapbuhay,minsan nga humingi lang siya ng isang piso para lang daw pambili ng tubig,kahit sa ganito pa man ang aming buhay Hindi ko nakikita na siyay lumiban sa pag aaral,kaya sa pagtatapos at sa nakamit niyang parangal kami ay sobrang saya,at naiisip ko bilang isang magulang na ang anak ko nga Hindi sumuko lalo na kami na mag magulang niya,kaya sa ganitong sitwasyon tayong mga magulang ay huwag mawalan ng pag ASA,magsumikap tayo para sa mga anak natin upang mabigyan natin sila ng magandang kinabukasan ,dahil ang tanging paraan lang na ating maiiwan sa kanila ay ang magandang kinabulasan,alam nating lahat na sobrang hirap ng buhay ngayon,Napa kakrisis ng hanapbuhay natin ngayon,pero Hindi ito hadlang upang Hindi natin mabigyan ng magandang kinabukasan ang ating mga kabataan,huwag tayong magpabaya para sa kanilang kinabukasan,dahil ito lang ang tanging yaman na ating maiiwan,ang pagtatapos ng pag aaral at may magandang trabaho,ito rin ang kayamanan na walang makabawi o makahiram man lang,kaya para sa atin na mga magulang Hindi natin sila pababayaan,kahit na anung hirap ang ating dinanas patuloy parin tayong magpakatatag at mamuhay ng maayos upang makapantustos sa ating mga anak,huwag tayong mawalan ng pag ASA sa ating pamumuhay na mahirap ,may diyos naman na laging gagabay sa ating lahat,sa lahat ng oras siyay gumagabay,kaya lagi lang tayong hihingi ng tulong sa kanya,para sa mga magulang huwag nating idahilan na kaya Hindi natin papaaralin ang ating mga anak dahil wala tayong maipantustos,Hindi sapat na dahilan ang ganito,obligasyon nating mga magulang na mabigyan ng matinong edukasyon ang ating mga kabataan at obiligasyon nating mga magulang na bigyan ng magandang kinabukasan, kaya kahit na sobrang hirap ng ating pamumuhay pipilitin nating igapang ang kanilang kinabukasan, dahil sila ang maging inspirasyon natin upang tayo magsumikap lagi sa ating pamumuhay,huwag nating pabayaan ang ating mga anak upang Hindi ito ang dahilan na silay mawalay sa matinong landas ng buhay,kaya para sa atin na mga magulang gagawin natin ang lahat ng ating makakaya para sa kinabukasan ng ating mga anak dahil walang ibang maipapamana natin na kayamanan kundi ay ang edukasyon,kaya bilang isang magulang sisikapin ko na kahit sa hirap ng buhay namin ngayon hindi ko hahayaan na ang aking mga anak ay Hindi makapag aral,gagawin ko ang lahat ng aking makakaya upang silay makapagtapos,dahil ito lang ang tanging yaman na aking maiiwan.

Authors get paid when people like you upvote their post.
If you enjoyed what you read here, create your account today and start earning FREE STEEM!
Sort Order:  

WARNING - The message you received from @masjuan is a CONFIRMED SCAM!
DO NOT FOLLOW any instruction and DO NOT CLICK on any link in the comment!
For more information, read this post: https://steemit.com/steemit/@arcange/phishing-site-reported-upperwhale
Please consider to upvote this warning if you find my work to protect you and the platform valuable. Your support is welcome!