Pamilya ng Sambayahang Pilipino (With English Translation)

in family •  7 years ago 

Pamilya ng Sambayahang Pilipino

BlogPostImage
Image Source

Ayon sa kahulugan, ang pamilya ay isang maliit na komunidad na binubuo ng magulang at mga anak. Subalit and maliit na komunidad na ito ang siyang pinaka-importante sa ating mga Pilipino. Hindi po masukat ang pagbibigay natin ng halaga sa pamilyang Pilipino, alam po nating lahat yan. Ang isang totoong Pilipino ay gagawin ang lahat mapabuti lamang ang kalagayan ng ating pamilya. Gusto nating masiguro na magiging maayos ang kinabukasan ng ating mga anak.

By definition, family is a small community consisting of parents and children. But this small community is the most important for us Filipinos. We can not measure the value of the Filipino family, we all know it. A true Filipino will do everything to improve his family situation. We want to ensure that the future of our children will be good.

Marahil hindi lang sa atin, maging sa ibang bansa, pag pamilya na ang pinag-uusapan, talagang iban ang ating pakiramdam. Ibang saya ang dinudulot sa ating mga puso kapag nakikita natin na ang lahat ng miyembro ng pamilya ay masaya. Di natin maintindihan, basta ang alam natin, tayo ay masaya. Sa panahong isa sa miyembro ng ating pamilya ay may problema o di kaya'y medyo matamlay ang kanyang hitsura at pakiramdam, nasasaktan din tayo.

Perhaps not just ours, even abroad, when we talk about family, we really feel different. There is much fun in our hearts when we see that all family members are happy. We do not understand why, all we know is, we are happy. Everytime one of our family member has a problem, it hurts us too.

BlogPostImage
Image Source

Bakit kaya ganito ang pakiramdam natin? Ikaw alam mo ba? Bakit tayong mga Pilipino ay ganon na lang ang pagpapahalaga sa ating pamilya?

Why do we feel so? Do you know why? Why we Filipinos really value our family?

Maaring alam ko ang sagot, maari ring hindi. Ang alam ko namulat ako sa maayos na pamilya, hindi mayaman, subalit masaya. Hindi importante sa amin ang yaman, bagamat alam naming sa tulong nito ay mapapabuti ang aming buhay, pero higit naming binibigyang halaga ay ang relasyon namin sa isa't-isa. Alam kong sasabihin mo ring ganito kayo, alam ko, dahil ganito talaga tayong mga Pilipino.

I may know the answer, I may not. I was raised in a good family, not rich, but happy. Wealth is not important to us, although we know it helps us to improve our lives, but we value more about our relationships with one another. I know you will also say this, I know, because we are Filipino.

Subalit sa paglipas ng panahon, base sa aking nakikita at napapansin sa paligid, unti-unti ng naglalaho ang pagpapahalagang ito. Marami sa pamilya Pilipino ay nasisira na dahil sa mga bagay-bagay sa sanlibutang ito. Sa nais ng tao na mapabuti ang kanyang pamilya, nakalimutan niya na hindi lang yaman at pera ang kailangan ng tao. Kailangan nito ang pag-aaruga at pakikisama.

But over time, based on what I see and noticed around, this value is gradually disappearing. Many of the Filipino families have been destroyed because of the things in this world. As a man wants to improve his family, he forgot that it is not just wealth and money that people need. It also needs care and fellowship.

Ginagawa ng ama o ng ina ng sambahayan ang lahat maibigay lamang ang mga pangangailangan ng kanyang pamilya. Walang humpay ang kanilang paggawa magkaroon ng sapat o di kaya'y higit pang yaman dahil sa nais nitong masiguro na talagang magiging maayos ang kani-kanilang mga buhay. Ang hindi namalayan ng iba, na sa pagsisikap nilang ito, ay nahuhulog na pala don sa tinatawag na adiksyon.

The father and the mother of the household does everything to provide the needs of their family. They never stop working just to make sure they had enough or even more wealth because they wanted to ensure that their lives will be in good shape. But what others didn't know is that, due to their efforts, they had already fallen on what we called "addiction".

Nagiging adik na sila sa pera at kayamanan na kadalasan ay nagiging dahilan pa sa pagkasira at pagkawatak-watak ng kanilang pamilya. Ika nga, na ang pera ang siyang ugat sa lahat ng kasamaan. Maniniwala ka ba sa kasabihang ito? Ako uo, lalo na kung magpapadala ka sa agos nito.

They become vulnerable to money and wealth that often result in their family's destruction and disintegration. Theirs a saying, the money is the root of all evil. Do you believe in this saying? I am you, especially if you let it take you.

BlogPostImage
Image Source

Kakayahan ng pera?
What money can do?

Isa itong napaka-importanteng bagay para sa lahat ng tao, kasi ito ang ginagamit natin sa pang araw-araw na pamumuhay natin sa mundong ito. May mga taong walang ibang hinangad kundi ang mag-angkin ng maraming pera at ginagamit pa nilang dahilan ang kanilang pamilya ngunit ang totoo, ito ay palusot lamang upang pagtakpan ang kanilang pansariling interes.

This is a very important thing for everyone, because this is what we use in our daily lives. There are people who want nothing else but to take a lots of money and use their family as a reason but the truth is they are just using it to cover up its own interest.

Kapag maraming pera ang tao, maaring lahat kaya niyang gawin at bilhin. Dito nahuhulog ang tao sa pagkalimot sa kanyang pamilya at ito rin ang dahilan sa paggawa niya nga mga kasalanan. Maaring sabihin niya na hindi ko nakakalimutan ang aking pamilya, sa katunayan nga, ang laki ng binibigay ko sa kanila buwan-buwan. Marangya ang buhay nila dahil sa pagsisikap ko. Hindi naghihirap ang aking mga anak. Nabibili nila kahit anumang gustuhin nila.

When a person has lots of money, he or she can do and buy everything. Here the man falls into forgetting his family and this is also the reason for committing sins. He may say that I do not forget my family, in fact, in fact I gave them more than enough money every month. Their lives are good because of my efforts. My children are not suffering. They can buy whatever they wanted.

Yon ang problema ng karamihan ngayon. Ang alam lang nila ay ang magbigay ng pera at sustinto. Hindi nila alam kung paano magpalaki at mag-aruga ng isang pamilya. Sino ba ang gumagawa nito ngayon? Si yaya. Dahil sa nais nilang mapaganda ang kanilang mga buhay, nakalimutan na nila na hindi lang ang aspeting pinansyal ang dapat nilang gawin, oo importante yan pero may mas higit pang mas importante kay sa dyan.

That's the problem of many today. All they know is to give money and support. They do not know how to take good care a family. Who does it now? It's the nanny. Because they wanted to improve their lives, they had forgotten that its not only the financial aspects that they needed to do, there's much more important things than that.

BlogPostImage
Image Source

Larawan ng maayos na pamilya
Image of a good family

Ano ba ang basehan ng maayos na pamilya? Kung ikaw ang tatanungin, ano sa tingin mo ang larawan ng maayos na pamilya. Para sa akin ang maayos na pamilya ang yong nanatiling maganda at maayos ang relasyon ng lahat ng miyembro nito sa bawat isa at maging ng mga tao sa piligid nila. Hindi watak-watak kundi nanataliling iisa at buo. Maraming pamilyang Pilipino ngayon ang mayayaman at marami din sa kanila ay magulo ang pamumuhay.

What is the basis of a good family? If you will be ask, what do you think is the image of a good family. For me the good family is the one who keeps the good relationship to all its members and even to all the people around them. Not separated but remain as one. Many Filipino families are now rich and many of them are also living in mess.

Nalilimutan na nila kung paano magmahal ng magulang, paano magmahal ng kapatid, paano magmahal ng lolo at lola, kung paano mahalin sa ate at si kuya. Para sa kanila, isang nakakatawang bagay ang pag-usapan ang mga ito. Kadalasan nating nakikita ay nag-aaway na sila, sa anong dahilan? dahil sa pera.

They had forgotten how to love a parents, how to love a brother, how to love their grandparents, how to love a sister and a brother. For them, its a funny thing to talk about them. Often, we see them fightiing and quarelling, for what reason? Because of money.

Larawan ng maayos na pamilya, na sa lahat ng panahon, makikita nating hindi lang sila masaya sa mga bagay sa mundong ito kundi masaya rin sila sa piling ng bawat isa, hindi sa piling ng kung sino-sino. Maayos at magalang ang pakikitungo nila sa isat-isa, naturuan ng magaganda at mabubuting asal. Madali nating makikita at mararamdaman ang ganitong uri ng pamilya.

A good family are those that not only happy for the things in this world but also to the presence of each other not from anybody else. They respect each other, they were nurtured educated with good behavior. We can easily see and feel this type of family.

BlogPostImage
Image Source

Pagkakataon
Chances

May pagkakataon pa ba tayong ayusin ang ating pamilya? Ito ang sasabihin, MERON. Hanggat may buhay ang tao, siya ay may pagkakataong ayusin ang kanyang buhay at buhay ng kanyang pamilya. Ang tunay na kaligayahan ay hindi lang makikita at masusukat sa laki ng yaman na tinataglay mo kundi sa laki ng pagmamahal na meron ka sa pamilya mo.

Do we still have the chance to do what is right for our family? Let me tell you this, YES. As long as the person is alive, he has all the opportunity to change his life and the life of his family. True happiness is not only visible and measurable in the size of the wealth you possess but with the love you have to your family.

Umpisan mo sa simula kung kinakailangan. Isa isip mo kung anong uring pamilya ang gusto mo magkaroon ka. Huwag magumon sa yaman ng mundo ito sapagkat ito ay hindi nagtatagal. Hindi ko sinasabing wag ka ng maghanap buhay kasi kailangan din yan. Ang punto ko ay wag mong ilaan lahat ng panahon sa paghahanap buhay, maglaan ka rin ng sarili mong panahon para sa pamilya mo. Higit sa lahat, wag mong kalimutan na may tagapaglikha sa yo, ang Diyos.

Start from the beginning if necessary. Think of what kind of family you wanted your family to become. Do not be addicted to the wealth of the world because it doesn't last long. I didn't say that you don't need to work because it is also important. My point is that, don't spend all of your time working for money, also spend some times with for your family. Above all, do not forget that you have a creator, God.

Tiyakin mong hindi lang pagkain, damit at edukasyon ang naibibigay mo sa kanila kundi pati ang tunay na pagmamahal na hindi nila pwedeng hanapin sa kung sino-sino kundi sa 'yo lamang.

Make sure that you're not only giving them food, clothing and education but also true love that they could not find from anybody but from you.

BlogPostImage

Authors get paid when people like you upvote their post.
If you enjoyed what you read here, create your account today and start earning FREE STEEM!
Sort Order:  

Galing..

Saludo ako sayo😊ang galing mo

Salamat, pangalawa lang ako sa yo :)

on point jud, family means everything to us in the philippines

Corek, pag walay pamilya, wala ta

Congratulations @bisdak! You have completed some achievement on Steemit and have been rewarded with new badge(s) :

Award for the number of upvotes received

Click on any badge to view your own Board of Honor on SteemitBoard.
For more information about SteemitBoard, click here

If you no longer want to receive notifications, reply to this comment with the word STOP

By upvoting this notification, you can help all Steemit users. Learn how here!

BISDAK <3