Baby no more!

in family •  6 years ago 

No words can express how grateful I am to have you in my life, Ayanna. Seeing you happy makes me happy too.

Kaybilis ng panahon, kailan lang hindi ako magkanda ugaga kung pano ko mapapalitan ng lampin ang anak ko. Hindi ko alam ang tamang pagkarga, kung paano ko patatahanin sa tuwing siya ay iiyak na. Ilan buwan din ang lumipas bago ko natutunan ang magpaligo sa aking anak, tanging ang nanay ko at biyenan ang nakakapagpaligo dito.

Pero ngayon, eto na siya. Kagigiliwan mo at panggigigilan dahil sa kanyang kakyutan.

Firstime namin dalhin si Yanna sa isa fast food chain. At hindi namin akalain makakaupo na siya magisa sa babies chair. Tuwang tuwa habang sinusubuan ng mashed potato. Walang pagsidlan ang aking saya sa tuwing makikita ko masaya ang aking anak.

Hindi na siya sanggol, sobra bilis ng panahon. Sana bumagal ang mga oras. Gusto ko pang maenjoy ang bawat sandali habang bata siya..

IMG_3916.JPG

IMG_3944.JPG

IMG_3945.JPG

Authors get paid when people like you upvote their post.
If you enjoyed what you read here, create your account today and start earning FREE STEEM!