Araw ng mga Ama | Ang Pundasyon ng Aming Tahanan

in fathersday •  7 years ago 

Isa sa mga lagi kong naaalala tungkol sa tatay ko ay yung mga pamamalo niya sa akin noon. Siyempre kasama talaga sa pagdidisiplina niya iyon eh. Paborito niyang sandata: ang sinturon nyang may bakal sa dulo. Naku! Napakasakit nun! Umabot ako sa puntong itinago ko iyon eh. Pero lalo kaming nalintikan kasi nadagdagan yung ikinagalit niya sa amin. Pagkatapos niyang ipahanap (nagpanggap akong nahirapan akong maghanap), ayun. Talaga namang doble ang palo.

Naalala ko na rin la g ang pamamalo, mayrong isang beses na hinding hindi namin lahat makakalimutan. Pinagtatawanan na lang namin iyon mgayon eh. Hindi ko na maalala kung ano ang dahilan kung bakit ako napalo noon. Basta ang alam ko napalo ako. Tingin ko dahil lang iyon sa gusto ko pang makipaglaro sa labas. Ang hinding hindi ko makakalimutang parte ng pamamalo ay nung tinanong niya ako.

Sinong masusunod sa bahay na ito?!

Siyempre natataranta ako kasi may hawak siyang sinturon at umiiyak akong sumagot.

Ako po.

Sa nakita kong reaksyon niya noon, parang nagulat siya sa sagot ko. Nagtanong uli siya

Sino?!

Wala naman akong kamalay malay, sumagot ako ulit.

Ako nga po.

Akma na siyang hahataw na ulit ng sinturon pero binigyan niya pa rin ako ng chance.

Sinong masusunod sa pamamahay na to??!?

Yung mga kapatid kong lekat, tatawa tawa habang nakasilip sa hagdan. Hindi man lang ako tinulungan ng mha walanghiya! Saka ako nahimasmasan.

Ayy. Kayo po pala.

Toinks!
Tapos pinagsabihan niya ako. Pinainom ng tubig. At pinaakyat na sa taas para matulog. Ganun naman yun si papa. Pagkatapos ka niyang parurusahan ka niya nang matindi. Ipapaliwanag kung bakit siya nagalit. Tapos pagsasabihan kang wag nang uulitin. Bunubuod niya kumbaga. Nakakainis, pwede namang dumeretso na kaagad sa pangaral. Bakit may paluan at iyakan portion pa.

Pero ganyan talaga si Papa. Mas madalas pa rin naman siyempre yung nakikipagkulitan siya sa amin. O kaya yung tinuturuan iya kami maglaro ng chess. O kaya naman ay tumugtog ng gitara.

Highschool lang ang tinapos ni papa pero marami siyang alam. Marunong siya gumawa ng bahay. Karpintero kasi siya. Siya ang gumawa ng lahat ng muwebles namin sa bahay dati gamit lang ang mga scraps na kahoy kung saan saan. Yung lamesa naming natitiklop na nakakabit sa dingding, siya ang gumawa nun. Yung sofa namin, gawa niya rin iyon. Yung mga bangko at baggkito namin, siya rin ang gumawa nun. Gimawa rin siya ng double deck namin. Pati yung patungan namin ng TV, ginawa niya rin iyon. Hindi ko lang malaman kung ano ba'ng trip ng tatay ko at naisipan niya akong pagawin ng shoe rack. Binigyan niya ako ng kahoy, pako, martilyo, wood glue at kung anu ano pa dun sa tools niya. Binigyan niya lang ako ng kalahating araw. Dapat daw pag uwi niya, may paglalagyan na siya ng tsinelas niya. Habang ginagawa ko, napapaisip ako. "Akala ata ng tatay ko lalake ako eh." Ayun. Umuwi siya kinatanghalian. Dinatnan niya akong umiiyak. Buo na yung shoe rack. Yun nga lang ."Bakit ayaw niyang tumayo?" Nayayamot na ako talaga. Ininspeksiyon niya yung gawa ko.

"Kulang kasi ng alalay dito sa bandang likod. Pag may gagawin ka, uunahin mong siguraduhin ang tibay ng pundasyon. Yun yung aalalay sa pagtayo ng binubuo mo. Kahit sa relasyon, ganun dapat. Kahit anong gandang tingnan niyan, kung hindi naman kayang tumindig nang mag-isa, wala rin."

Sa tatay ko talaga ako natuto ng mga hugot sa buhay eh.

"Kahit babae ka, dapat marunong ka rin gumawa ng mga gawaing panlalake. Para hindi ka aasa lang sa mapapangasawa mo."

Labing apat na taong gulang pa lang ako nung mga panahon na iyon. Kinakausap niya ako tungkol sa pag aasawa. Shoe rack lang pero napunta na kamo sa pag aasawa. Iba ang hugot talaga ni Papa.

"Dapat kung ano ang kayang gawin ng mga kapatid mong lalaki, kaya mo rin gawin."

Ang iniisip ko noon yung magjolens, maglaro ng bilyar, magpaikot ng tex, magdampa. Iba pala ang nasa isip niya. Mag igib ng tubig, magbuhat ng mga kung anu anong mabibigat, maglagari, magpako, magkumpuni ng sirang electric fan at kung anu ano pang sira sa bahay. Yung totoo, pang amazona ang training?

Pero nang dahil doon, naging feminist ako. Medyo nahirapan yung mga ex ko (marami sila, wag na lang ipabilang, baka mapahiya ako) na ligawan ako kasi hindi ako gaano naiimpress dahil sa training sa akin ng Papa ko. Kaya naman ako na ang nanligaw dito sa asawa ko. Sure na kasi akong kahit di niya na ako ma-impress, mamahalin ko pa rin siya nang buong puso.

Sa bawat pagkakataong makikita ni papa, huhugot siya maglalapag siya ng words of wisdom niya. Noong nagseselos ako sa kapatid kong bunso, naramdaman niya iyon. Hindi na kasi ako ang unica hija. Babae kasi si bunso.

Noong ikaw yung maliit at nangangailangan ng atensiyon, ibinigay iyon sayo. Ngayon, si baby naman ang nangangailangan non.

Give chance to others daw eh.

Ang daming itinuro ni Papa sa akin noon. Kaya ako ganito ngayon dahil sa kanya. Ngayon, nasa kama na lang siya halos lahat ng oras. Hindi na kasi siya makalakad na kagaya ng dati. Wala na yung lakas na dating hinahangaan ko. Hindi na rin siya gaano nangungulit kasi kulang na ng lakas. Hindi na rin siya gaano makwento tulad ng dati kasi nabubulol na siya.

Kaya kaming magkakapatid (lalo na kami ng bunsong babae) inaalalayan namin siya gaya ng kung paano niya kami inalalayan noong di pa kami nakakalakad mag isa. Iniintindi namin yung bulol niyang salita kagaya ng kung paano niya kami pilit na inunawa kapag nabubulol bulol kami habang tulo uhog na umiiyak pag nagsusumbong sa kanya. Inuunawa at pinagsasabihan namin siya kapag ayaw niyang inumin yung gamot niya kagaya ng pagkumbinsi niya sa amin noon na inumin ang gamot namin pag may sakit kami.

Wag ka mag alala Papa. Kahit na nakikipaglaban ka sa sakit, ikaw pa rin naman ang pinagmumulan ng lakas namin. Ikaw yung pundasyon namin. At sa nakikita naming tibay mo, sigurado matagal tagal kaming maninindigan at lalaban sa anumang hamon ng buhay.

IMG_20180617_065714.jpg


Maraming salamat sa pagbabasa!



2123526103.gif

Authors get paid when people like you upvote their post.
If you enjoyed what you read here, create your account today and start earning FREE STEEM!
Sort Order:  

nay @romeskie dapat gumawa tayo ng channel ang name paluan haha, praying for father dear, fight fight fight, happy pa rin ang ang father sa father's day hanggat ang mga kanyang mga junakis ay kasama niya

Thanks nak. Luluto ako spag para sa fathers' day. Punta ka sa haus. Hanapin mo lang kami dito sa Taguig. Hahaha.

Jaja laugh trip. Sori po. Natuwa ako Ng sobra... @romeskie

Haha. Makulit din talaga yang tatay ko na yan eh. Tingin ko sa kanya ako nagmana eh... hahaha