"Hello, Mamita! Uuwi po kami ni Mama diyan sa Cebu. Ihahatid po namin si Auntie Nena" ang sabi ni Andre sa kanyang Lola Rica sa telepono."Ano po ang gusto nyong pasalubong, Mamita?" tanong ulit niya. "Kahit ano, kailan kayo paparito?" anang Lola niya. "Dito ka na ba mag-aaral at titira?" pahabol pa nito. "Hindi po! Papano si Chloie?" Nalito si Lola Rica at tinanong si Andre.."at sino naman si Chloie?"
"Si Chloie po yung crush ko sa school." ..."Ano? May crush ka na? Dios Mio itong batang ito!" Nasambit sa Espanyol sa taranta si Lola Rica.
Si Andre ay anak ni Karla na anak ni Lola Rica. Sa edad na singkuenta y sais maganda at sexy pa ito. Palibhasa dating ramp model noong kabataan niya kaya alaga at namantine ang hubog at kinis ng katawan nito. May lahi silang Spanish-Greek-Italian kaya salaminin mo sa iyong isipan kung gaano ito kaganda. Ang gamit nilang diyalekto sa pamilya ay Cebuano. Kung gaano ka-liberal magdamit si Lola Rica siya namang kabaliktaran ng anak niyang si Karla sa pananamit ngunit magkasundo sila sa isipan.
Nag-impake ng mga damit si karla na dadalhin nila pagluwas ng Manila. Tuwang-tuwa si Andre habang naglalagay ng mga damit niya sa backpack.
"Mama, ayaw kalimti akong tablet ha? May Piktyur mi ni Chloie diha na nagtupad. Ako nang ipakita kay Mamita ug Lola Lyn(si Lola Lyn ay ang konserbatiba at mataray na ina ni Rica)"... aniya sa Cebuano na ang ibig sabihin ay: "Mama, wag mong kalilimutan ang tablet ko ha? May piktyur kami ni Chloie na magkatabi. Ipapakita ko yan kay Mamita at Lola Lyn."
Maaga silang natulog kinagabihan dahil malayo pa ang byahe nila papuntang airport kinabukasan.
Kara-karang nagluto ng hotdog, itlog at sinangag si Karla para sa kanilang almusal at susunduin sila ng kanyang bayaw at biyenan para ihatid sa airport.Pagkatapos kumain ng almusal, naghugas ng pinagkainan at naligo. Tsenek ang mga bintana at pintuan kung nakasara ng maayos. Dumating ang sundo nila at sumakay agad si Andre na prenteng-prente katabi ng Tito Butch at ama niyang si William sa harapang upuan ng Hi-Ace.
"Excited na akong makita si Mamita ko Papa, Tito. May dala din akong mga pasalubong"..sabi ni Andre. "Baka naman ikaw din ang uubos nyan ha? Sarap mo pa namang kumain"...hahaha..humagalpak ng tawa ang Tito Butch ni Andre. "Hindi po ipapasalubong ko talaga yan kay Mamita, Lola Lyn at Uncle Jom (si Jom ang kapatid ni Karla)".."Makikita ko rin and Mito Jun ko" (si Mito Jun ang ama ni Karla. Ayaw magpakasal ng ina ni Karla sa kanyang ama kaya nag-asawa ito sa iba)..dagdag pa ni Andre.
Ng dumating sila sa airport naunang bumaba si Andre at excited talaga ito. palibhasa first time niyang sumakay ng eroplano. Lola Nena baba na po. Bilisan po ninyo.
"Andre! pumirmi ka nga. Hintayin muna natin yung wheel chair ni Lola Nena at yung mag-aassist sa kanya." Dumating ang may dala ng wheelchair at pinaupo si Lola Nena. Humalik si Andre sa kanyang Tito Butch at Papa William. bye Papa, Tito..."Be good, behave ka duon". Kumaway at nag-Flying Kiss pa si Andre sa kanyang Ama at Tito at umalis na sila papasok ng airport terminal...Parang kiti-kiti itong si Andre.
Sa check-in counter inabot ni Karla ang ID ng Senior Citizen ni Lola Nena atbirth certificate ni Andre at lettergaling sa DSWDkailangang ipresenta ni Karla ang dokumento dahil anim na taon lang si Andre.
Sabi ng nasa counter. "6 yrs. old lang pala ang batang ito? ang tangkad kasi parang 15 yrs. old" sumimangot si Andre at tumingin sa lalakeng nasa counter at sinabi.."DI NA AKO BATA!" Lumingon si Andre sa lalakeng nag-assist at may hawak ng wheel chair ni Lola Nena at galit "BATA DAW AKO, BINATA NA AKO, NOH?!" Ngumiti na lamang ang lalake at sabi.."Oo nga, BINATA KA NA"...ngumiti si Andre. Ganyan ang gusto niyang marinig. Ayaw na ayaw niyang tawagin siyang BATA....
Tinawag na ang kanilang plane number flight to Manila. tayo agad si Andre.."Lola Nena punta na tayong Manila" Talagang excited ang ating bida. upo agad siya sa assigned seat niya sa may bintana. pinili ni Karla na si Andre ang umupo sa may bintana para makita nito ang view.
Nang mag-take-off ang eroplano hanggang tenga ang ngiti ni Andre. Makakarating na rin siya ng Maynila sa wakas. Mula ng ipinanganak ni Karla si Andre di pa ito nakikita ng ina ni Karla at Lola Lyn niya at Uncle Jom.
Tuwang-tuwa si Andre ng makita niya ang aerial view ng Maynila at ang mga ulap habang lumilipad ang eroplano. Nakatulog siya at nagising ng magsalita ang piloto na magtouch down na sila sa Manila Airport.
"Wow! nasa Manila na tayo!" Pagbaba ng eroplano ngiting-ngiti ito. Unang tapak niya sa Maynila.
Sinundo sila ng driver nila Karla at umupo agad siya sa may likuran ng driver at naglagay ng seat belt. Habang binabaybay nila ang Manila, panay ang lingon ni Andre kaliwa at kanan at tuwang-tuwa sa kanyang mga nakikita.
Pagdating nila sa bahay nila Karla. Sinalubong agad sila ng kanyang Mamita Rica. "Andre! Ang laki mo na! Halos magkasing-height na tayo"..palinga-linga si Andre.."Nasaan po si Mamita ko?" tanong ni Andre.."Ako si Mamita mo!" ...palibhasa sexy at bata pang tingnan si Rica di akalain ni Andre na siya ang kanyang Mamita. Naka-shorts at sleeveless blouse ito. Ang akala ni Andre kapag Lola na matanda at puting-puti na ang buhok tulad ng kanyang Lola Nena....saka pa lang siya nagmano kay Rica... "Nasaan po si Lola Lyn, Mamita?" Nasa loob ng kuwarto niya. Lakad, puntahan mo na!
Tumakbong papasok si Andre sa loob ng bahay at tinatawag ang Lola Lyn niya at Uncle Jom. Lumabas ng kuwarto si Lola Lyn at nagmano at humalik si Andre! "Ang tangkad mo hijo" usal ng Lola Lyn ni Andre. "Binata ka na tingnan".. "Binata na po ako Lola Lyn!" Tumawa ang kanyang Lola Lyn sa tinuran ni Andre! Palinga-linga si Andre tila may hinahanap. Ng di makita ang hinahanap nagtanong sa Lola Lyn niya. "Lola Lyn, nasaan po si Uncle Jom?" "Nasa opis niya. mayang gabi pa ang dating." "ay, Lola Lyn! ito po mga pasalubong ko...Otap, Galletas at Masarial. Di ba paborito daw po ninyo ang mga yan sabi ni Mama?"
Nang magtanghalian na sila. Tumabi si Andre sa kanyang Mamita Rica. Tinanong siya ni Rica kung kumusta ang kanyang pag-aaral. Sumabat si Karla. Haay naku! Di pa po masyado marunong magbasa yan Mama". ...sumimangot ang ating bida..buking! "Ano? mag-Grade 1 ka na di ka pa marunong magbasa?" tanong ni Rica.. "Marunong naman po pero di pa gaanong mabilis" giit pa nito at inirapan ang Mama Karla niya...Dito ka na mag-aral Andre, ako maghahatid at susundo sa'yo sa iskul at magtuturo sa'yo sa mga lessons mo." "Paano si Chloie?" sabi pa niya. "Ha? Chloie na naman?" usal ni Mamita Rica niya. "Matalino, mabait at maganda ba yan si Chloie?" tanong ni Rica. Ay, opo kaya CRUSH po e! bida pa ni Andre.. "'sus, Maria y Josef at may nalalaman ka pang CRUSH! Pambihirang bata ito!" Tawanan silang lahat at kakaraka ay kinuha ni Andre ang kanyang tablet, binuksan at ipinakita sa kanyang Mamita Rica ang piktyur nila ni Chloie!
"Mao ni si Chloie Mamita, guapa no?". . . sambit sa Dialect ng Cebuanona ang ibig sabihin ay: "Ito po si chloie Mamita, ganda no?".. kinikilig na bida ni Andre. "Mao nga dili ko diri mu-eskwela kay dili nako biyaan si Chloie uy!" (Kaya ayoko po dito mag-aral dahil ayoko pong iwanan si Chloie)..Nanlaki ang mata ni Mamita Rica at tumingin sa anak na si Karla..Napailing na lang si Karla at natawa sa tinuran ng anak niya.
Lagi na lang si Chloie ang nasa isipan. Para na ngang tinedyer kung magsalita at mag-isip si Andre..walang wagas ang pagkagusto sa batang si Chloie na ka-edad niya. Nakakatakot magsalita at mag-isip ang mga Millenials ngayon..nabibigla ang mga Milleniors...hahaha
ang kyut ng kwento
mas pak na pak ito kung hango sa totoong buhay
"am a millenial too, yah know!"
Downvoting a post can decrease pending rewards and make it less visible. Common reasons:
Submit
salamat at nagustuhan mo ang aking munting kuento. PART 1 lang po yan. gusto mo bang hintayin ang kasunod? abangan....
Downvoting a post can decrease pending rewards and make it less visible. Common reasons:
Submit