Source: 8list.ph and Bench / lifestyle + clothing FB page
"Ehem, ehem! Excuse me po! Humihingi po kami ng paumanhin sa nauna naming report tungkol sa isang bus na nahulog sa bangin. Meron pong nakaligtas na tatlo at sila po ay kasalukuyang nasa hospital. Inaalam pa lang kung sinu-sino sila, at kung ano ang kanilang lagay. Muli, humihingi po kami ng paumanhin sa nauna naming report" paglilinaw ng TV brodkaster na si Noli Enriquez ng 24 Patrol.
Wang, wang, wang!
Sa hospital...
"Ano ba tong si Noli Enriquez. Mali-mali ang report. Dapat talaga pinapatay na ang TV pag balita. Lagi pang may plema. Nakakadiri." sabi ng nurse na si Romelyn sa kapwa nurse.
"Oo nga. Laging may plema, minsan dumidighay pa! Yuck!" sagot ni Nurse Mina.
"Artista ba tong pasyente natin? Bella Flores ata" ani ni Romelyn.
"Hindi! Pumanaw na si Manang Bella" sagot ni Mina.
"Hirap tanggalin ng make-up nya bes" sabi ni Romelyn habang nililinisan ang lola.
"Oo nga. Boysen ata make-up nya. Haha!" wagas na tawa ni Mina.
"Anong ingay to?" ika ni Dr. John.
"Wala po", sambit ng dalawa.
Pagkalipas ng tatlong araw, limang oras, labing-apat na minuto, pero di ko na maaalala ang segundo...
"Nasaan ako!" sigaw ng pasyente.
Aba! Buhay pala si Aling Gloria!
Takbuhan ng mga nurse.
"Bakit ako andito? Sino kayo? Mga mukhang kabayo!" nagmaldita pa ang mahaderang Gloria na nakasabit ang isang paa dahil sa fracture na nakamit nito.
"Aray, aray! Ang sakit!" sigaw pa niya.
"Pigilan mo ko bes, baka masapak ko tong gurang na to" bulong na malakas ni Mina kay Romelyn.
"Hayaan mo na, respetuhin mo na lang matanda" bulong ni Romelyn.
"Hmp!"
"Ano po nararamdaman niyo manang?" sambit ni Romelyn.
"Ikaw kaya ang nakahiga dito para alam mo! And excuse me, don't call me manang. Mas mukha ka pa ngang matanda sa kin." pagmamaldita ni Gloria.
"Pigilan mo ko bes. Masasapak ko to." bulong ni Romelyn na tila nagbaliktaran sila ng mood ni Mina.
"Hayaan mo na. Eh feel niya nga bata siya eh, kahit uubod ubod na. Ek, ek, ek!" natatawang sagot ni Mina.
"Anong mga pinag-uusapan niyo na mga babaeng kabayo na kamukha ni Ritchie D' Horsie?" pagmamaldita ulit ni Gloria.
"Excuse me manang. Di niyo ba nakikita itsura niyo na naka-make up ng Boysen? Sa tanda niyong yan?" sambit ni Romelyn.
"Aba, aba, aba! 25 pa lang ako. Eh kayo?"
"Hahaha! 25? Baka 52? Tumingin ka nga sa salamin. Eto oh! " sagot naman ni Mina.
"Waaahhh! Waaahhh! Anong nangyari sa mukha ko? Bakit kulubot na?" Sigaw ni Gloria.
"Anong nangyari sa mahaderang ito? Bakit parang nabigla siya sa mukha niya?" sabi ni Romelyn.
Maya-maya tinurukan ng injection na pampakalma si Gloria dahil sa walang hintong pagsigaw nito na parang kinakatay na gorilla este baboy.
Dumating ang pinakamalapit na kamag-anak ni Gloria na si Sheshe.
"Doc, musta po ang tiyahin kong bungangera? Este tiyahin ko po?" tanong ni Sheshe.
"Physically, okay naman ang lagay niya. Tanging ang fracture niya sa tuhod ang problema. Bagama't nagtataka siya sa itsura niya. Sinasabi niya na 25 pa lang siya. Palagay ko, naapektuhan ang ulo niya sa pagkauntog. Ayun sa obserbasyon ko, baka mayroon siyang isolated retrogade amnesia. Ibig sabihin nun, ang naaalala niya ay ang mga pangyayari mula nung 25 pa lang siya pababa." paglalahad ni Doc John.
"Sayang naman. Sana nalimutan na niya lahat" bulong ni Sheshe sa sarili.
"Ano yun?"
"Ha? Sabi ko, sana di niya makalimutan ang lahat," pagdedeny ni Sheshe.
"Ahh, sige. Pakibantayan mo lola mo ha."
"Doc, tiyahin po."
"Ay, oo nga pala. Nakalimutan ko. Mukhang nagkakaka-amnesia na rin ata ako."
Pagkalipas ng isang oras, pumasok si Nurse Romelyn.
"Hi, lola mo" sambit ni Romelyn.
"Ah, hindi. Tiyahin ko po." sagot ni Sheshe.
"Ay, sorry. Akala ko naman lola mo. Naloloka ako sa tiyahin mo. 25 years old daw siya."
"Oo nga po. Meron saw siyang... Ah, eh. Ano na nga yun? Gatorade amnesia!"
"Ah, baka ibig mong sabihin retrogade amnesia. Hehe"
"Ah, yun nga."
Pagkaalis ni Nurse para kunin ang vital signs ni Gloria nang siya ay magising.
"Oh, musta tita?"
"Sino ka?"
"Ay ako po si Sheshe. Pamangkin niyo po ako. Kaso di niyo po ako maalala dahil may gatorade. Ay mali, retrogade amnesia po kayo."
"Huh? Hindi nakakaalala naman ako. Nasaan pala boyfriend ko? Bakit di niya ko binisita? Nasaan si Shawn?"
Aba, ito pala ang rebelasyon. Si Shawn ay dati palang boyfriend ni Gloria. Nagkahiwalay lang sila dahil sa music nung pareho silang 27. Paborito kasi ni Shawn ay rap music, kaso ang gusto ni Gloria ay jukebox. Favorite singer niya kasi si Imelda Papin, na sinasabi ni Shawn na baduy. In fairness kasy Shawn, hindi siya mukhang 50. Bata ang itsura niya. Mukha siyang 49.
"Sino po ba si Shawn tita?"
"Kakasabi ko ngang boyfriend ko eh, di ka na nakikinig?"
"Ah eh, sorry po."
"Pero pakitawagan mo nga siya sa telepono, sabihin ko number niya"
Nilabas ni Sheshe ang kaniyang iPhone.
"Ano yan?"
"Cellphone po."
"Bakit walang antenna?"
"Tita, modern na po ngayon. Nung panahon niyo, wala pang ganitong cellphone. Tsaka baka yang tatawagan ay landline, naka-unli po ako. Di pwede sa landline."
"Ay, paano yan? Paano makakapunta dito si Shawn? Namimiss ko na yung darling ko. Pero alam mo, ang laki ng muscle. 8-pack ang abs. 4 sa harap, 4 sa likod."
"Pag sa likod, hindi na abs yun."
"Nagjojoke lang ako. Ignorante? Di mo alam ang joke?"
Aba, modern magjoke si aling Gloria.
Si aling Gloria ay nailabas na din sa wakas mula sa ospital. Lumipas ang mga araw, siya ay nakalakad na rin. Pero siya ay madalas malungkot. Maaaring dahil namimiss niya si Shawn na akala niya ay nakalimutan na siya.
Maya-maya ay may tumugtog na rap song. Ito ay ang walang kamatayang Ice, Ice Baby ni Vanilla Ice, at sumunod ang Informer. Napatingin si Aling Gloria, at may nakita siyang lalaking nagpapatugtog nito. Alam ni Gloria na may amnesia siya. Kaya di na rin ineexpect ni Gloria na ganun pa din itsura ni Shawn. Sa narinig niyang kanta, naalala niya si Shawn. Napatingin siya, napatingin din ang lalaki. Kumaway ang lalaki, kumaway din si Gloria. Naglakad papalapit ang lalaki. Pero tila naiba direksiyon ng lalaki, dahil yung nasa likod pala no Gloria ang kinakawayan niya.
Ito ikalawang bahagi ng kwento ni Gloria na kung saan ang unang kwento ay mababasa dito
Please support @surpassinggoogle as a witness by voting him at https://steemit.com/~witnesses and type in "steemgigs" at the first search box.
You can also give him witness voting decisions on your behalf, visit https://steemit.com/~witnesses again and type in "surpassinggoogle" in the second box as a proxy.
Please support his project as well, which is @teardrops Smart Media Token.
Do support @steemph, @bayanihan, and @sawasdeethailand curation teams. Huge thanks to sir @bobbylee, and @hr1.
Do you use eSteem?
eSteem is a Mobile& PC app. for Steem with great features. Also, you get Incentives posting through eSteem apps.
eSteem Spotlight; eSteem provides rewards for it top users in Leader Board with most Posts, Comments and Highest Earners.
Download eSteem for your Mobile
Android devices Google Play Store
IOS devices Apple Store
Download eSteem Surfer for your PC
Available for all OS Github
Join eSteem Discord https://discord.gg/UrTnddT
Join eSteem Telegram http://t.me/esteemapp
Please vote
for @good-karma as a witness.
Pambihira! Ngayon ko lang nabasa ito bwahahaha. Nurse @romeskie oooh basahin mo haha.
Downvoting a post can decrease pending rewards and make it less visible. Common reasons:
Submit
Ginawa pala akong nars ni boss @iyanpol12.. hoy Deshawn yang ex mo pagsabihan mo yan baka di ko yan matantiya. Hahaha
Downvoting a post can decrease pending rewards and make it less visible. Common reasons:
Submit