Minsa may isang mag-asawang kalapati na namumugad sa isang simbahan sa bayan ng Molave. Sa ilalim ng kanilang pugad may mag-inang nagtitinda ng kandila. Ang asayahing bata si Isabel at matiyagang ina na si Aling Maricel. Salat man sila sa pera, alaman naman nilang mahal-mahal nila ang isa’t sa. Mahilig sa laruan si Isabel lalong-lalo na sa laruang Mickey Mouse. ‘Di man niya ito sinasabi kay Aling Maricel ngunit nararamdaman naman ito ng kanyang ina.
“Ma gusto ko sanang bumili ng laruang Mickey Mouse.” “Anak, alam mo naman ang kalagayan natin, medyo matumal ang tinda natin ngayon, pasensya na talaga anak.” “Opo, pasensya na po.”
Nagmukmok si Isabel sa isang sulok ng simbahan at nakita ito ng mag-asawang kalapati. Naramdaman nila ang bigat ng damdamin ni Isabel
“Mahal, parang malungkot yata si Isabel.” Ika ng babaeng kalapati. “Oo nga, lapitan kaya natin?” “Sige.”
Nilapitan ng dalawang kalapati ang batang si Isabel. Nang nalapitan na nila, ‘di sila nito pinansin kaya nagpasya silang maglaro sa harap nito. Lumundag-lundag ang lalakeng kalapati at sumakay sa likod nito ang babaeng kalapati. Lumundag sila ulit at napansin na sila ni Isabel. Paulit-ulit nilang ginawa ito at unti-unting sumusunod na si Isabel, hanggang naghahabulan na nga sila. Takbo dito, lipad doon. Sa bawat pawis na pumapatak mula sa mukha ni Isabel ‘yun din ang kagalakan nila sa kanilang paglalaro. Habol dito, habol doon. Tago sa mga nakahilerang upuan at parang walang hanggang habolan sa loob ng simbahan. Pagdating ng dapit-hapon tinawag na ni Aling Maricelang batang si Isabel.
Nabigla si Aling Maricel, dahil pawisan ang kanyang anak habang lumalapit ito sa kanya. Pero mas gumaan naman ang kanyang pakiramdam dahil sa ngiting kanyang nakita sa mukha ni Isabel.
“Anak, saan ka ba galling? Bakit pawisan ka?” “Ma, naglaro ako sa simbahan kasama ang mga kalapati.” “Siya nga ba anak? O siya sige magbihis ka na, uuwi na tayo.”
Medyo nagtataka ang ina sa kanyang narinig pero mas namanatag naman ang kanyang sarili dahil sa saya na nararamdaman ngayon ng kanyang anak. Habang naglalakad papauwi sina Aling Maricel at Isabel. Nakatingin lang ang mag-asawang kalapati sa kanila at may ngiting namumukadkad sa kanilang mga mukha.
Kinabukasan, pumunta muna sa palengke si Aling Maricel para maghanap ng Mickey Mouse na laruan ngunit may kamahalan ang mga ito, naghanap pa siya ng manika at may nakita na nga siya na alam niyang kaya niya itong pag-ipunan. Bumalik si Aling Maricel sa kanilang bahay at sinama si Isabel sa simbahan. Sa araw na ito sinwerte ang mag-ina, may maraming nag-alay ngayon ng kandila sa simbahan.
Habang nagtitinda si Aling Maricel, nagliwaliw at naglaro si Isabel kasama ang mga bago niyang kaibigang mga kalapati. Naging lugar ng palaruan nila ang buong simbahan. Kahit sa mga kasulok-sulokan nito naging masaya sila dito. Dumating na naman ang oras na maghihiwalay silang magkakaibigan, bumalik siya sa kanyang ina sapagkat ayaw niyang tatawagin pa siya nito. Kasi alam niyang may marami pa itong inaatupag.
Sa sumunod na umaga, binalikan ni Aling Maricel ang tinadahan sa palengke at binili ang nakitang laruan, pagkatapos nito’y bumalik na naman siya sa bahay para isama si Isabel sa simbahan. Nagpaalam si Isabel sa kanyang Ina na maglalaro siya kasama ang mga bago niyang kaibigan at pinahintulotan naman siya nito. Naglaro na naman sila ng langit at lupa sa mga hagdanan ng simbahan, parang may pakpak na rin si Isabel sa tuwing kasama niya ang kanyang mga kaibigan. Lumipas ang maraming oras, nagpasyang bumalik uli si Isabel sa kanyang ina at nagpaalam na sa mga kalapati.
Nang dumating na siya sa kanilang tindahan, sinurpresa siya ng kanyang ina. Dala-dala ang bagong manika na nabili kanina.
“Anak, oh eto, pagpasensyahan mo nalang si mama, ito lang talaga ang nakayanan ko.” Habang inaabot ng Ina kay Isabel ang manika. “Ay ma ‘wag na, meron na akong mga bagong kalaro at kaibigan ngayon, masaya na ako sa kanila ma.” “Anak, tanggapin mo na ito , sige na, kasi ang buong kasiyahan ni mama ay ang maaalagaan ka’t maibigay sa iyo ang mga bagay na makakapagbigay ng kasiyahan sa iyong puso”
Nang tinanggap ni Isabel ang manika, niyakap niya ng mahigpit ang kanyang ina. Hinagkan din naman siya ng buong puso ng kanyang Ina. ‘Di nila alam na nakatingin lang sa ibabaw ng simbahan ang dalawang kalapati’y nakatingin sa kanila, maaninag din sa mga kalapati ang mga ngiti sa kanilang mga tuka. Mula sa araw na ‘yon mas lalong napuno pa ng pagmamahalan at kasiyahan ang buong simbahan sa bayan ng Molave.