Tadhana | Unang Bahagi

in fiction •  6 years ago  (edited)

Masayang naglalakad sa gilid ng dalampasigan ang magkasintahan na Shawn at Melai habang magkahawak ang mga kamay. Katamtaman ang lakas ng hangin na pumapalo nang bahagya sa mahabang buhok ng babae. Naupo sila sa may batuhan. Nakatingin sa malayo si Melai habang si Shawn naman ay nakangiting nakatitig sa maamong mukha ng nobya. Inilapit niya ang kanyang mukha dito habang nakatitig sa mapupulang labi nito. Nang magkalapit nang husto ang kanilang mga mukha at akmang hahalik na ay biglang tumunog ang alarm clock.

pareja-caminando-playa-atardecer-tomados-mano.jpg

Pinagkunan

"Riiiiiiiiiiiiiing!!!"

Pinindot ni Shawn ang tuktok nito para huminto ang pagtunog. Bumalik siya sa pagkakahiga at nakangiting nakatitig sa kisame. Ilang araw na lang! Bumaling ang kanyang atensiyon sa kalendaryong nasa gilid ng kama. Kumuha siya ng pulang panulat at tinantusan ang araw ngayon. Lahat ng ibang petsa ay nakaekis na. Nakabilog nang malaki ang isang petsa: Hunyo 24. "Ilang araw na lang, magkikita at magkakasama na ulit tayo."
Pinag ipunan niyang matindi ang bakasyon papunta sa bansa kung saan nagtatrabaho ang kasintahan bilang guro at photographer. Ikaapat na anibersaryo din nila iyon kaya may nakahanda siyang espesyal na sorpresa para dito. Sinilip niya pang minsan ang laman ng maliit na kahon na nasa tabi ng plane ticket. Tila nasiyahang nandoon pa rin ito sa kinaroroonan, isinara niya ang kahito at hinablot ang tuwalya para gumayak na papasok sa pabrika.
Kahit laging pagod at puyat sa kaka-over time ay hindi niya iyon alintana. Masaya siyang nakakapag uwi siya ng sapat na halaga para tustusan ang kaniyang mga pangangailangan at nakakaipon siya kahit papaano ng para sa kinabukasan. Kinabukasan nila ni Melai. Muli ay napangiti siya at tumuloy nang maligo.

Nagkakilala ni Melai sa isang sikat na website kung saan ang dalaga ay aktibong naglalathala ng mga magahandang tanawin na kinukunan nito. Napukaw na nito ang atensiyon ni Shawn, sampu ng iba niya pang mga followers, sa angkin niyang talento sa pagkuha ng larawan. Noong una ay nagpapalitan lamang sila ng mga komento tungkol sa mga inilalathala nila. Hindi naman iyon iba o espesyal para sa dalaga. Para sa kanya, sapat nang may nakapapansin at nasisiyahan sa kanyang mga gawa. Naging napakalaking tulong ng potograpiya sa kanya. Ito ang naging kasa-kasama niya noong mga panahong nadurog ang kanyang puso ng isang mapaglarong biro ng tadhana. Ilang taon din siyang nagsubok na kalimutan ang mapait na karanasan sa pag ibig. At sa potograpiya niya natagpuan ang kapayapaan at katahimikan ng kanyang puso.
Nagbabasa siya ng mga komento at sadyang natatawa talaga siya sa mga banat ng isa sa mga followers niya.

Ang ganda naman ng kuha mo idol! Sing ganda mo!

Parang ang tindi ng lungkot na nararamdaman mo sa litratong ito. Di bale, kayang kaya kong tabunan ng di masukat na saya ang lahat ng lungkot at pait na nananahan sa iyong puso, idol.

Magiging mas makulay ang pananaw mo sa buhay sa oras na ako'y iyong makilala nang lubusan. Ipapakita ko sa iyo ang lahat ng kagandahan sa mundo. Kahit na ang mga ito'y walang sinabi sa angkin mong ganda, my idol!

"Ang kulit naman nito." natatawang sambit niya minsan habang binabasa ang mga komento ng kanyang makulit at nakakatawang follower.

Hindi niya naman ito sineseryoso dahil alam niyang internet lang naman ito at malamang naman ay nagbibiro lang talaga ang lalaki.

Nang minsang magkaroon ng malaking pagtitipon sa komunidad ng website na kinabibilangan ng dalawa ay hindi na nagpatumpik tumpik pa si Shawn. Sinigurado niyang dadalo si Melai. Nagkaroon pa ng maraming pilitan bago napagpasiyaha ng dalaga na dumalo.
"Dumalo ka, idol. Doon mo makikilala ang tadhana mo. Nandoon ako eh." minsang pangungulit ni Shawn.

"Haha. Ikaw talaga? Parang ayoko na lang pumunta." pabirong sabi ng dalaga. Sa totoo lang ay gusto niya rin namang pumunta. Nahihiya lang siya dahil wala naman siyang gaanong kakilala doon. Ngayong nagpi-prisinta si Shawn na maging personal niyang tour guide ay lalong nabubuo sa isip niyang gusto niyang pumunta.

"Ouch! Ang sakit naman nun, idol. Hindi pa man ay sinasaktan mo na ang puso kong tapat na nagmamahal." pabirong tugon nito.

Sa kakulitan, kapilyuhan at pagkapursigido ng binata ay napasagot niya rin ang oo ang dalaga. At ngayon nga ay mag-aapat na taon na silang mag nobyo. Kahit na magkalayo ay ginagawan nila ng paraan na maipagpatuloy ang kanilang relasyon. At nitong pang apat na taong anibersaryo nila ay may malaking sorpresa ang binata. Minsan ay ang binata ang nagpupunta sa probinsiya, minsan ay si Melai ang dumadalaw. Araw araw at oras oras silang magkausap sa telepono at sa chat. Salamat sa internet. Hindi na naging bago ang sitwasyon nang kinailangang mag abroad ni Melai.

Nitong mga nakaraang buwan ay naging madalang silang magkausap. Bukod sa palagiang overtime ni Shawn sa pabrika ay marami ring proyekto si Melai. Nag iipon siya ng mga litrato para sa kanyang portfolio.

Nang umagang iyon ay may missed call si Shawn mula sa kasintahan. Pag tingin niya sa messenger ay may mensahe rin ito.

May kailangan akong sabihin sa iyo.

Ilang minuto pa lamang ang nakalilipas. Baka online pa ito.

Ako rin! May sorpresa ako sa iyo. Sabik na akong makasama ka! Kaunting tiis na lang babe. Pasok na ako ha.

Nagpahabol pa ng message ang binata.

Mahal na mahal kita.

Seen

Tinitigang maigi ni Shawn ang salitang iyon. Marahil ay naging abala na ulit siya.

Ibinulsa niya ang telepono at tumungo na sa pinagtatrabahuhan.


Itutuloy


Narito ang Ikalawang Bahagi


Ano kaya ang sorpresa ni Shawn? (Hindi ba ito masyadong obvious?)

Ano ang sasabihin ni Melai? Bakit hindi niya na lang chinat?

Alin ang mas masakit: Ang mag-I love you ka na sinagot ka ng "Thank you" o ang mag I love you ka tapos ma-seen zoned?


Ang orihinal kathang ito ay hango sa imahinasyon ng may akda. Ang mga pangalan, pangyayari, lugar, at kung ano mang laman ng kwento ay maaaring ihinango sa mga inspirasyon ngunit hinaluan ng aking mapaglarong isip.


Maraming salamat sa pagbabasa!



2123526103.gif

Authors get paid when people like you upvote their post.
If you enjoyed what you read here, create your account today and start earning FREE STEEM!
Sort Order:  

nyahaha! si master 2k pala ang bida dito ate @romeskie pero sino kaya si Melai? bakit wala siya sa Tambayan ni @toto-ph ? next chapter na, abangan! 😁

Hahaha... idol ni @twotripleow yun eh. Ibunyag ko na ba master 2k?

Nahihiya ako haha saka na. Bro Jp hindi kasi siya nagsusulat ng mga tagalog kaya wala siya sa tambayan ni Toto hhe.

Kaya pala napatanong si lodi @johnpd kung ako ba e. Hahahahhaha. Dahil pala sa kwentong ito. 😁
Noong mabasa ko pa lang ang pangalan ng mga bida, alams na agad e. Ano nga kaya ang kahihinatnan ng team #Shawlai? Heheheheh

Napepressure na ako kasi 3-part lang itong mininobelang ito. Sana matapos ko nang matiwasay. At sana friends pa rin kami ng mga bida pagkatapos kong isulat. Hahaha

Hahahahaha. Sana nga friends pa rin kayo. 😂
Ang galing din kasi ng naisip mong sulatan sila ng love story e.
Hindi ko alam kong happy o sad ending ang isusulat mo. At nasa iyo naman ang magiging tadhan ng bida e. Perks of being a writer. 😁