Salamat sa Operasyong Tuli!: filipino-poetry

in filipino-poetry •  7 years ago  (edited)

received_2007378229580965.jpeg

Salamat sa operasyong tuli!

Sa pagdating ng bakasyon
Sakin na naman nakasalalay ang tradisyon
Sabi ni Itay ilabas lahat ng tapang ko ngayon
Nakakatakot ako ayoko ng ganon

Pagsapit ng kabilugan ng buwan
Ito na ang kinatatakutan
Dahil si Itay lumalabas ang kalibugan
Gusto nya na maraming babae ang anakan

Para maging totoong lalaki ang kalalabasan
Hindi sa hospital mangyari ang bakbakan
Doon kay lolo na kutsilyo at pamukpok ang kailangan
Walang anestisya tanging aray ang panglaban

Pagkatapos ng nakakatakot na labanan
Ito na ang pinakamasaya kahit duguan
Hindi na ako supot! Iwas na sa tuksuhan
Isang ganap na akong lalaki sa harap ng kababaihan

Tara at maglakad ng naka sakang
Suot ang mahabang damit na lagpas sa may bewang
Wala munang tayong magtakbuhan
Baka durugo ulit sa ating kulitan

Salamat sa operasyong tuli!
Natapos din ang nakakatakot na pangyayari
Isa na akong ganap na binata
Kaya nang mangligaw sa babaeng matagal ko nang sinisinta

received_2007377982914323.jpeg
source

HAPPY STEEMIT ! ! !

Salamat sa Pagbasa ! ! !

Sana Nagustuhan nyo ! !

Long Live Steemians ! ! !

Tuli ! ! !

@aiyeecanoy

Authors get paid when people like you upvote their post.
If you enjoyed what you read here, create your account today and start earning FREE STEEM!
Sort Order:  

Hahaha. Napakasayang tuli... Ay tula pala... 😁😁😁😁

Katuwaan lang po hahaha
Salamat at na gustuhan nyo :)

Walang anuman. Sana marami pang kwelang tula ang aking mababasa

pwede po kayung pumunta sa blog ko may mga tula ako dun :)

Nice bro! Poetry about circumcision during summer. Ang kwela

Congratulations! You’ve been featured to our 94th STEEMIT FAMILY PH DAILY FEATURED POST 🇵🇭👍🏼

-Tp-

Thank you @steemitfamilyph pangatlong featured kuna po ito ang sarap namang isipin nakaka inspired gumawa ng maraming tula :)
Maraming salamat sa pag featured sa tula ko.