ANG SAKLAP NA KATOTOHANAN / ISANG TULA (@athenabree08)

in filipino-poetry •  7 years ago  (edited)

Ang mundo ay bigla-biglang nagbabago
Bagay na nakasanayan ay naglaho
Unti-unting nabubura ngiti ng mga tao
Sa mga maliliit na bagay sa mundo

Ang mga bata hindi na naglalaro
Mga materyal na bagay na ang nagpapatakbo
Teknolohiya sanhi ng pagbabago
Sa mundong pera lang ang mahalaga sa tao

Propesyon ng tao na ang mahalaga
Ito na ang bagay na nagpapasaya
Nagbibigay buhay at nagpapaganda
Ang bagong buhay ng tao ang may gawa

Di na mahalaga ang pagkakaibigan
Makamit lang magandang kinabukasan
Ang iniisip sariling kapakanan
Puno ng pansariling kasiyahan

Sana'y matanto ang lahat ng ito
Hindi pa huli para ito'y mabago
Hawak parin natin ating kapalaran
Na s'yang nagpapatakbo sa mundong ating ginagalawan.

39B84B46-B58A-43F4-94F1-AEC297525EDD.jpeg

SANA AY NAGUSTUHAN NINYO. MARAMING SALAMAT. 😊

-------💕💕💕-------

💋athenabree08💋

0E76C786-433C-4556-AACA-F44C1F12DB6A.gif

AB98B9A0-69CB-4181-9C3E-44126CB556EB.jpeg

Authors get paid when people like you upvote their post.
If you enjoyed what you read here, create your account today and start earning FREE STEEM!
Sort Order:  

kay ganda ng tula kapatid

Maraming salamat po