Katha ni @blessedsteemer🙏
Salitang kayhirap banggitin at sabihin,
Ito ay puno ng emosyon at damdamin.
Katagang napakahirap sambitin sa mga nagmamahalan,
Ngunit kailangan gawin para sa kapanatagan ng kalooban.
Mahirap mawalan ng mahal sa buhay,
Lalo na yung nagaruga sayo at gumabay.
Kapag binawi na ang hiramn na buhay,
Ang mundo mo'y parang gumuho at puno ng lumbay.
Napakasakit isipin na bawat isa sa atin ay mamaalam,
Subalit yung araw na yun ay di natin alam.
Kaya napakasakit kung may nagpapaalam,
At di na maibabalik ang bagay na nakasanayan.
O' salitang "Paalam" ano bang kapangyarihan mayroon ka?
Bakit kapag sinasambit ka, ang dami mong luhang dala.
Ikaw ba ay pagdurusa o kalungkutan sa madla?
O kaligayahan sa pusong nakakakalaya.
Akin din nasaksihan ang salitang ito dulot ay kaligayahan,
Mga taong nagpapaalam sa bisyo't kamunduhan.
Buhay nila ay gumanda at nagbago,
Mula ng sila'y nagpaalam sa gawaing di matin.
Ang salitang "Paalam" ay kay daming ibig sabihin,
Na minsan a di kayang arukin ng mga isip natin.
Ngunit dalawa lang ang nagiging dulot sa atin,
Kaligayahan at kalungkutan sa puso at damdamin.
Maraming salamat sa oras ng inyong pagbasa sa aking simpleng tula at sana ay nagustuhan nyo ang aking konsepto ng aking katha. Suportahan po natin ang mga makatang pilipino, upang pag ibayuhin nila ang paggawa ng tula. Mabuhay po tayong lahat.😊💪
Hanggang sa muli!😊
@blessedssteemer🙏("pinagpala")
As a follower of @followforupvotes this post has been randomly selected and upvoted! Enjoy your upvote and have a great day!
Downvoting a post can decrease pending rewards and make it less visible. Common reasons:
Submit