Katha ni: @blessedsteemer🙏
Sa mundong ibabaw na ating ginagalawan,
May mga sakrispisyo at pagtitiis tayong pinagdadaanan.
Iniisip lagi natin ang ating karukhaan,
At tumatatak sa isip natin kung ito ba ay may katapusan.
Kahirapan na ating kinalakihan,
Minana pa natin sa ating mga magulang.
Kaya naman pagsisikap nila ay puspusan,
Upang tayo ay magkaroon ng magandang kinabukasan.
Ngunit tanong sa ating isipan,kung paano ba ito malalagpasan,
Ni ang pagkain ay kulang sa hapag kainan.
At paano ba nila matutustusan,ang para sa aming kinabukasan?
Ni hindi nga kami nakakaahon sa kalagayang kinasasadlakan.
Kung pagmamasadan ko ang aming kalagayan,
Parang walang sagot sa aking katanungan.
Katanungang matagal ko ng hinanapan ng solusyon,
Subalit bakit andito pa rin kami sa ganitong sitwasyon, hanggang ngayon.
Kaya ako ay nagtatanong kung bakit kami nagkaganito,
Ito ba ay biyaya ng Diyos o sumpa na sa amin ibinato.
Kaya ako nanalangin Maykapal ng taos sa puso,
Na kami ay gabayan na magtagumpay sa buhay, at naway masagot ang tanong kung paano.
Salamat sa inyong pagbasa sa aking munting tula at sana ay magustuhan nyu anh aking akdang tula. Mabuhay po ang mga manunulang pilipino!😊💪
@blessedsteemer🙏