"Biro", Isang Pilipinong Tula

in filipino-poetry •  7 years ago  (edited)

Biro

Ginawang tanga
Ito naman mukhang gaga
Tuloy ngayon nganga
Pagtitiis walang bunga

Mata'y nakamulat
Sa pinagdaanang alat
Makakalathala na ng aklat
Biro pala ang lahat

Akala'y pagsinta'y tunay
Yun pala pinaghintay
Sa walang saysay
Tulad ng walang buhay

Kakalimutan masayang alala
Masayang biroan na pinadama
Biroang walang humpay, yun pala walang kwenta
Sa huli naghihinayang , iniwan mag-isa

Sa susunod na naman mga ka Steemian.Sana'y na gustuhan ninyo ang ginawa ko. Maraming Salamat !
Photocredits 1 2

Authors get paid when people like you upvote their post.
If you enjoyed what you read here, create your account today and start earning FREE STEEM!
Sort Order:  

Para'ng ako pinaghihintay! Hahahaha

The pictures are true. Naaalala ko tuloy mga friends ko na favorite biruin ng karamihan. They might just be smiling but deep inside, nasasaktan na pala masyado. This not only applies sa love but sa friendship din. Keep posting! :)