"Tunay na Saya" || a filipino poetry

in filipino-poetry •  7 years ago 

source

"Tuwing na Saya"

Di alintana ang pagkislap ng bituin pag ika'y kasama sinta
Maging liwanag mula sa buwan tuwing gabi, di masisita
Isa lamang na kumikinang na tala sa mundo
Tanging ikaw lamang ang liwanag sa buhay ko

Di mapansin ang halimuyak ng rosas pag ika'y kapiling sinta
Kahit gabundok ang dami ng bulaklak hindi matataranta
Nagtataglay ng halimuyak ay iisa lamang
At ikaw iyon, tanging ikaw at walang makalalamang


Tanging ikaw sinta ang tunay kong ligaya
Buong gabi hanggang sa magdamag, laging ikaw sinta
Hinding-hindi magsasawa sa iyong tabi
Ika'y nagpapatibok sa puso at dito namamalagi


Di ko pansin bawat sandali 'pag kapiling ka sinta
Maging kulog at kidlat, bagyo't hangin 'di napapansin sinta
Iisa lang ang hinihiling kong kasagutan
Ang ngayon at kailanaman ika'y mahahagkan


source


Maraming salamat mga kaibigan!
Naway naghandog sa inyo ng aliw ang nabuo kong tula. Muling balikan ang mga nakaarang tula na aking isinulat.


* * * * * Filipino Poetry * * * * *

Alaala Mo

Barkada

Pag-ibig

Awit ng Puso

Lalayo na Ako

Maghihintay pa rin

Nandito Lang Ako

Tuwing Ika'y Kapiling


* * * * * English Poetry * * * * *

Forever is Scary

Torment

Happiness

Thy Love

Fallin for You

It's You

If it's For You

Authors get paid when people like you upvote their post.
If you enjoyed what you read here, create your account today and start earning FREE STEEM!