PAG-IBIG SA LUPANG SINILANGAN (TULA PARA SA ATING BAYANI) mula kay makatang iphone7

in filipino-poetry •  7 years ago  (edited)

bansa.png

Aking nagugunita mga bayaning dakila
Kalayaan ng bansa atin ngayong tinatamasa
Kanilang inialay, hininga at kaluluwa
Agos ng dugo nila ay puminta sa lupa.

Ngunit kababayan, ano ang ating ginawa?
Mas ibig mo na ang Ingles kaysa sa ating wika?
Hindi naman masama ang titik banyaga
Ngunit wag sanang limutin ang sariling talata.

Sa kabilang banda, ako'y natutuwa
Yaong makabayan na ating kapwa
Taas noo silang Pilipino sa diwa
Kanilang pinagmulan hindi kinahiya.

Tayo ay kayumanggi at wag magkubli
Sarat man ang ilong basta mabuti ang budhi
Huwag magpadaig sa mga sabi-sabi
Tayo ay Pilipino, araw man o gabi.

Photo Credit:
https://www.google.com.ph/search?q=mga+bayani&dcr=0&source=lnms&tbm=isch&sa=X&ved=0ahUKEwj6-uGJx-bYAhXEErwKHRlWC9EQ_AUICigB&biw=1366&bih=700#imgdii=eVnoypFmMckwPM:&imgrc=5QHab7twg4IGnM:

Authors get paid when people like you upvote their post.
If you enjoyed what you read here, create your account today and start earning FREE STEEM!
Sort Order:  

super galing naman eh.

salamt idol :)

Ipagpatuloy! magaling :)

salamat mam gandahan :)

isang kang makata @iphone7. kami ay nagagalak sa mga limbag na hinango sa ating sariling wika. ipagpatuloy!

salamt kaibigan pinalakas mo ang loob ko na gumawa pa ng maraming tula.

isa kang magaling na makata @iphone7 :)
ang ganda ng mga ginagawa mong tula.