Ang Pamatid Gutom at Uhaw

in filipino-poetry •  6 years ago  (edited)

pamatid-uhaw
pixabay

Ang abuhing umagang iyon ay sumasapo sa mata kong abuhin na rin,
di ako magkamayaw hanapin ang mga tao sa aking harapan,
at ang hangi'y dumaan nahawi at tumambad sa aking harapan
ang mga batang-grasa ng lansangan, tag-araw noon.

Halatang ang kanilang mata'y pagod, ang abuhing buhok nila'y
tila nangangalawang na, wala ng sigla, singhot nila sa plastik ang rugby,
o acetone, pantawid-gutom, pamatid uhaw sa maghapong tambay
sila sa kalsadang naghananap ng makakain at kalabit-penge
sa mga taong nasa daan, palaboy ng daan, nasaan ang kanilang magulang?

Ang mangalakal para sa droga o ang manghingi sa kalsada para pambili ng makakain,
ganito sila araw-araw, ganito ang uri ng buhay nila, ganito pa sila kabata!

Naisip ko tuloy kung kabilang silang kabataan ang tirahan ay kalsada
na pag-asa ng bayan? Kung ganito sila kabatang natuto lahat ng uri ng kabulastugan,
paano na kaya kung sila ang nakaupo sa gobyerno? Tanong ko muli,
may pag-asa ba ang bayan sa kanilang lumaki sa kakaibang uri ng kalakalan!

Sa kanila ko ba iaasa kung ako'y hukluban na ang pamatid gutom at uhaw
ko sakaling sila ang nalukluk sa bayan kong hubad?

STEEMIT DIVERSIFY - NEW JULY 2018 - iwrite.jpg

Authors get paid when people like you upvote their post.
If you enjoyed what you read here, create your account today and start earning FREE STEEM!
Sort Order:  

we just have to accept the government.

Yes this cat seems also thristy. let him drink some water , plse dont disturb.

That's not new anymore.