HALAGA

in filipino-poetry •  7 years ago 

Kung kelan nawala tsaka pa papahalagahan,
Dati kasi parati mo siyang sinisigawan,
Sana nariyan siya sa iyong tabi,
Ngunit ang pagmamataas mo ang iyong pinili,

Dapat masaya ka pagkat inuna mo yan,
Ngunit bakit ngayon para kang basahan?
Basang basa na parang pinaulanan,
Nagmamakaawa ka upang ikaw ay balikan?

Ha! Buti nga sa'yo!
Kasi dati siya'y palaging kinakawawa mo,
Pinapahabol-habol mo na parang aso,
At pinapahiya sa harap nang maraming tao,

Masaya na siya at nakangiti na palagi,
Pagkat dito na siya mananatili,
Wag kang mag alala pagkat aalagaan ko siya,
Pagkat ipapadama ko na siya ay may halaga.

Image Source
images.jpeg

@surpassinggoogle has been a great and amazing person please support him to vote as witness, simply visit https://steemit.com/~witnesses and type in "steemgigs" into the first search box for witnesses or simply click Here to do it on one click!

If you want me to make witness voting decisions on your behalf, simply visit https://steemit.com/~witnesses and type in "surpassinggoogle" in the second box for proxy.

received_1591355727614117.jpeg

Authors get paid when people like you upvote their post.
If you enjoyed what you read here, create your account today and start earning FREE STEEM!
Sort Order:  

Salamat @leslyfay

WelC 😊