Hello everyone!
I just made a poem written in Filipino language.
And it is entitled, "Ang luha sa gilid ng mata".
Bata pa lang ako nang ika'y aking nakilala,
kasama ka mula pagkabata hanggang sa tayo'y
nagkaroon na ng malay sa mundong ating ginagalawan.
Sa tuwing nakikita kitang kasama mo siya,
ay wari bang may luha sa gilid ng aking mata.
Pilit na pinipigilan ang aking nararamdaman.
Pilit na tinatakpan ng ngiti ang bawat pighati.
Ilang araw ang lumipas, napagpasyahan mo na pumasok sa isang prestihiyosong paaralan na
kung saan kailangan mong mapalayo sa akin.
At tuluyan ka ngang lumayo sa akin, at sa masasaya nating ala-ala.
Hindi ko alam kung ano ba dapat ang aking mararamdaman.
Hindi ko alam kung ano ba dapat ang aking gagawin.
Habang ikaw ay nandyan, kasama ang iyong bagong kaibigan na nag-udyok sayo na tuluyan kang magbago.
Pagsapit ng isang taon, ako at ang mga ala-alang kasama ka ay tila ba'y nabaon na sa limot.
Walang araw na wala ka sa aking isipan,
Walang araw na hindi kita kinalimutan.
At ang luha na dating nasa gilid lang ng aking mata,
ay tuluyan ng bumagsak at di na mapigilan.
Patuloy pa rin akong aasa,
na sa isang araw, maaalala't babalik rin ang pagsasama natin.
Thank you for reading and supporting my post!
God bless and have a nice day everyone! :)
Interesting.
Downvoting a post can decrease pending rewards and make it less visible. Common reasons:
Submit