Kay tagal kung ginusto na maka subok na gumawa ng isang spoken word poetry at ito ang kauna unahan kong subok patungkol dito sana ay inyong magustuhan. At ako ay bukas pusong tatanggap ng critisismo upang mapabuti pa ang aking susunod na mga likha. Maraming salamat.
Sa napakalawak na mundong gumugulong sa ilalim ng mga paa.
Binabagabag ako ng mga tanong at duda.
Pagdududang, tama ba?
Tama ba ang pwestong kinalulugaran ko.
Dito sa mundong ibabaw, tama ba ang lugar na kinatatayuan ko?
Napapalibutan ng mga taong kilala ko,
pero hindi ng mga taong kilala ako.
Inaalayan ng mga ngiti sa labi,
ngunit walang may alam ng pait sa bawat ngiti.
Saan? saan ko makikita ang lugar
na masasabi kong "Dito"
Na dito ako nararapat dahil ramdam ko.
Nasaan kaya ang lugar na ito?
Matagal na nanirahan sa mundo,
pero hanggang ngayon ay nakagapang parin ako.
Nakagapang sa madilim na kwarto,
at hinahanap ang nararapat na lugar ko.
Dahil mahirap maging isang lobo,
sa isang kwarto na puno ng karayum na maaring kumitil sayo.
At mahirap ipalagay ang iyong pagkatao,
sa isang lugar na hindi mo kabisado
at alam mong hindi ito ang lugar na para sa iyo.
Kaya habang buhay na siguro
ang katanungang "Nasaan ang lugar ko sa mundo?"
Congratulations @llivrazav! You have completed the following achievement on Steemit and have been rewarded with new badge(s) :
Award for the number of posts published
Click on the badge to view your Board of Honor.
If you no longer want to receive notifications, reply to this comment with the word
STOP
To support your work, I also upvoted your post!
Do not miss the last post from @steemitboard:
SteemitBoard World Cup Contest - Croatia vs England
Participate in the SteemitBoard World Cup Contest!
Collect World Cup badges and win free SBD
Support the Gold Sponsors of the contest: @good-karma and @lukestokes
Downvoting a post can decrease pending rewards and make it less visible. Common reasons:
Submit