RE: Filipino Poetry #1 : Nagmahal pero Sinaktan

You are viewing a single comment's thread from:

Filipino Poetry #1 : Nagmahal pero Sinaktan

in filipino-poetry •  7 years ago 

Napakasakit ng mga pangyayari sa kwentong tula na iyong ginawa @mhickay21. Pinapakita na ang nagsasalita ay nagmamakaawa upang ipaglaban ng kanyang minamahal ang kanilang pagmamahalan.

Ngunit ang maipapayo ko sa kanya kung ito man ay base sa totoong pangyayari ay sana'y tapusin na niya ang kanyang nararamdaman. Ang buhay natin sa mundo ay napakaikli lamang at mas iikli pa ito kung gugugulin natin ang oras sa paghabol sa mga taong hindi tayo mahal.

Alam kong ang Panginoon, pamilya, kaibigan natin ay palaging magiging nandiyan upang mag-alay ng pagmamahal. At ako ay nananalig na mayroon Siyang itinadhana para sa ating lahat: sa tamang panahon.

Authors get paid when people like you upvote their post.
If you enjoyed what you read here, create your account today and start earning FREE STEEM!
Sort Order:  

salamat sa pag appreciate @morken and opo hango po ito sa totoong buhay, first time ko lang po gumawa ng ganito galing sa damdaming nasasaktan. ewan ko nga po sa sarili ko kung bakit nakakaya ko parin lahat ng mga nangyari.

Nakakaya mo dahil alam ng Panginoon na kaya mo. Binibigay niya ang mga karanasan o pait sa ating buhay upang magsilbing instrumento sa atin na tayo ay matuto. Alam kong pagkatapos ng nga dagok na iyong nararanasay, makikita mo rin ang nakalaan para sa iyong buhay :-)

wow.. napaka makata nyo po.. ang lalim ng mga words sana may ganyan akong isip sa mga tamang words na gagamitin isa lang kasi ang alam ko ang mahalin siya at hindi siya sasaktan kaya eto ako ngayon nagdurusa pero patuloy parin siyang minamahal

Maraming salamat sa iyong pagpuri.

Tama lang na magmahal ngunit kung ito'y nagpapasakit na sa iyon araw-araw iyan na ay katangahan.

☺️

Congratulations! Your submission earned you 0.060 SBD from this bounty. You have received 0.040 SBD from the creator of the bounty and 0.020 SBD from the community!