"MANGINGISDA"
Palagi ka'ng nasa karagatan.
Pangalawa mo na ito'ng tahanan.
Kahit kinakatakotan ito ng karamihan.
Karagatan lang iyo'ng takbohan.
Umalis ka ay madaling araw pa.
Pamingwit at baon iyong dala.
Hindi sigurado kung makauwi ng maaga.
Depende kung makarami ng isda.
Langit ang nagsisilbing orasan.
Sa galaw ng araw ang palatandaan.
Hangin ang nagsisilbing gabay.
Kung may unos ba'ng naghihintay.
Kapag dumilim ang kalangitan.
Hindi dapat katakotan.
Pero kung hangin ay gumagawa ng alon.
Kailangan umuwi o baka sa dagat ka ibaon.
Pangingisda ng isang mangingisda.
Kailangan ng pasensya at tyaga.
Wala naman kasing kasiguradohan,
Na ang isda ay nandyan lang.
Sa paglaglag ng pamingwit sa karagatan.
Hindi ibig sabihin pain mo ay pag-aagawan.
Minsan ang iyong pain ay dinaandaanan.
O di naman kaya'y iniiwasan.
Ngunit kailangan pa rin mag tyaga.
Dito nabubuhay bilang mangingisda.
Sa karagatan pinaubaya ang pangarap.
Sana ang buhay bukas ay sasarap.
salamat sa pagbasa...
photo is mine: fisherman using a fishing hook
huawei p7