"Payak"
Yung walang iniindang matinding kakulangan.
Yung tipong mabubuhay ka lang kahit ang sarili mo lang ang maaasahan
Payak na buhay ang gusto ng mundo
Dahil gusto niyang manatili tayo ng matagal sa kanyang palasyo
Lugar na malaya ang mga tao at bagay
na walang puwersa sa kawalan ang makapaghihiwalay.
Buhay ng tao ay mabilis mag-iba
Minsan nga lang nakatikim ng ginhawa ay naging sakim na
Tinataas ang antas ng pamumuhay kahit hindi kaya
Ayan tuloy, sa bandang huli nagiging kaawa-awa
Hindi pa diyan nagtatapos,
dahil kung minsa puro ka na lang reklamo at ayaw makontento
Bakit di gawing inspirasyon ang mga tao kapos,
Na namumuhay ng walang wala, ngunit hindi naghihikahos.
Hindi ko sinasabing maging pobre ka at kaawa-awa
Bagkos maging payak lang kahit marami ka ng biyaya
At wag kalimutang magpasalamat dahil dito
At lalong wag maging sakim sa ibang tao.
Naway nagustuhan niyo ang aking gawang tula. Subaybayan pa ang mga kapanapanabik na mga gawa na dito lang sa steemit mailalathala. Maraming Salamat!
Previous Filipino Poetry
Previous Filipino Poetry with English Explaination
Image Taken from Unsplash
Nice post.Upvote and resteem done.
Downvoting a post can decrease pending rewards and make it less visible. Common reasons:
Submit
ang galing! @manualbot
Downvoting a post can decrease pending rewards and make it less visible. Common reasons:
Submit
indeed a nice poem. I have lived to a bible verse with almost the same content as your poem.
Philippians 4: 11. I am not saying this because I am in need, for I have learned to be content whatever the circumstances. - Bible Offline
Downvoting a post can decrease pending rewards and make it less visible. Common reasons:
Submit
gustong gusto ko ang mensahe ng tulang eto
sapagka't gusto ko rin ang buhay na payak at simple
doon sa probinsiya manirahan
malapit sa pamilya't mga tunay na kaibigan
Downvoting a post can decrease pending rewards and make it less visible. Common reasons:
Submit