#149 Filipino Poetry: "Pasensya"

in filipino-poetry •  7 years ago 

photo-1517868092398-d187f20933a9.jpeg

"Pasensya"


Tulad ng mga batang nag-aaway,
Ganoon din tayo sa isa't isa
Tila walang humpay,
Ang mga masasakit na salita

Gayun paman,
ikaw at ako pa rin
Kaya itong tulang ito,
ay para sa mga kamalian ko

Kung minsan, ako'y nagagalit
Sa kadahilanang di mo batid kung bakit
Pagpasensyahan mo na,
Ako'y nagiging ganito, pagkat kahit anong bagay na ang nasa utak ko

Kung minsan, tamad man ako
At di lang sa sarili ko pati sa iyo
Pagpasensyahan mo na,
Madami lang akong nagawa na sa tingin ko ay kontento na ako

Gusto ko lang ikay patawanin
Kahit mga salitang biro ay aking bibigkasain
Wag nga lang ikay magalit
Kapag ang biro koy may halong pait

Pasensya na, aking prinsesa
Prinsipi ako ng pilyo at drama
Kung may tao mang nakakapagpasaya sa iyo na higit pa sa naibibigay ko
Pasensya na, yan lang ang kinaya ng taong ito.


Naway nagustuhan niyo ang aking gawang tula. Subaybayan pa ang mga kapanapanabik na mga gawa na dito lang sa steemit mailalathala. Maraming Salamat!

Previous Filipino Poetry


Image Taken from Unsplash

New-Animation-1.gif

Follow-Me-(Looped).gif

themanualbot.jpg

follow_themanualbot.gif

Authors get paid when people like you upvote their post.
If you enjoyed what you read here, create your account today and start earning FREE STEEM!
Sort Order:  

Rice writing

Very nice poem