#55 Filipino Poetry: "Bitaw"

in filipino-poetry •  7 years ago 

photo-1507875650466-196f39058c13.jpg

"Bitaw"

Kailan ba nagbago ang lahat?
Saan ba ako nagkamali?
Mayroon bang bagay na dapat kong gawin o dapat nagawa?

Baka nagkulang ako sa paghawak sa iyo ng mahigpit
Oh kaya may dapat akong sabihin
Sa halip na nakatayo lamang dito
Tinitignan kang unti-unting lumalayo sa akin

Hindi kita kayang mailigtas
Hindi ko alam, sa mga oras na iyon
Naging mas masakit ba dahil sa ginawa ko?
Patawad kung ganoon.

Nakatingin kang may luhang dumadaloy sa iyong mga mata
Walang salita
Katahimikan lang
at batid kong kinikuwento mo ang storya sa isipan

Nakipaglaban ka ng matagal
Ngunit, ikaw ay sumuko
Binitawan mo ang aking kamay
At wala na akong narining mula sa iyo hanggang ngayon.


Naway nagustuhan niyo ang aking gawang tula. Subaybayan pa ang mga kapanapanabik na mga gawa na dito lang sa steemit mailalathala. Maraming Salamat!

Previous Filipino Poetry

Previous Filipino Poetry with English Explaination


Image Taken from Unsplash

New-Animation-1.gif

Follow-Me-(Looped).gif

themanualbot.jpg

follow_themanualbot.gif

Authors get paid when people like you upvote their post.
If you enjoyed what you read here, create your account today and start earning FREE STEEM!
Sort Order:  

go go pinoy

Bitaw in Tagalog is to release. Bitaw in bisaya is to agree. HAHAHA

Bitawww ayyyy. hahah

This reminds me of a song of Jireh Lim entitled "Pagsuko".

"Ikaw at ako ay alaala na lang
Kung susuko ka na"

Thanks for sharing your poem @themanualbot :)

You're welcome @purple143. 😎😎