#66 Filipino Poetry: "Dulo"

in filipino-poetry •  7 years ago 

photo-1433995070845-72a203325d5a.jpg

"Dulo"

Naglalakad ka paroo't parito
Lakad at takbo ang ginagawa mo
Naglalakbay sa kalyeng hindi kabisado
Hindi nakatitiyak kung tamang daan ba ito

Nauubos na ang lahat ng lakas at sigla
Hapo sa katawan ay bakas na bakas na
Bagama't kalyo sa paa ay unti-unting nakikita
Pangangawit at sakit ay ipinagsasawalang bahala tuwina

Sa gitna ng daan,
ilang ulit ka ng nadapa at nasugatan
Habang nagsusumikap makapagpatuloy,
pawis at dugo mo'y dumadaloy

Ilang ulit ka na nga bang pilit sumuko
Ngunit sa kahinaan ay hindi nagpadapo
Pilit nilalabanan ang sulsol ng sugapa
Pagkabigo ay hindi kailanmang iniisip na banta

Kung dulo man ay marating mo
Nawa'y hindi ka tumigil sa paglakbay ng mas magandang landas
Basta't wag na wag mong kalilimutan
Na ang lugar na iyong kinagisnan ay nararapat na ipamalas


Naway nagustuhan niyo ang aking gawang tula. Subaybayan pa ang mga kapanapanabik na mga gawa na dito lang sa steemit mailalathala. Maraming Salamat!

Previous Filipino Poetry

Previous Filipino Poetry with English Explaination


Image Taken from Unsplash

New-Animation-1.gif

Follow-Me-(Looped).gif

themanualbot.jpg

follow_themanualbot.gif

Authors get paid when people like you upvote their post.
If you enjoyed what you read here, create your account today and start earning FREE STEEM!
Sort Order:  

Nice Poem, and well to set it up like this arrangement, thanks

Tunay na syang kaaya-aya
Kung lahat ng Pilipino ay maging makata
Sa pagkakataong gayun
Madadarama ang dugong bughaw na pinasa.

-ambot unsa ni akong giyawyaw

hahah nglibog sad kos imong giyawyaw maam. 😂

haha pinugos sir... duka na guro ko :D

Wag po kayong tumigil sa kakagawa ng tula. Nakakaaliw basahin😁

Salamat sa suporta. :)