#98 Filipino Poetry: "Pagtatalo"

in filipino-poetry •  7 years ago 


photo-1488723302958-247a0b7a47e8.jpeg

"Pagtatalo"

Walang perpekto sa mundo,
bagay man o tao.
Palaging may nagtatalo
at palaging may natatalo at nananalo.

Ang mananalo ay sasaya at giginhawa,
pagkat hindi siya ang may-sala
Ang matatalo ay malulungkot,
ngunit hindi mag-iiwan sa puso ng puot.

Pag di mo na alam ang gagawin,
wag mo naman akong babalewalain.
Hindi man ako agad agad na darating,
asahan mong ako'y nasa iyong tabi, kapiling.

Ang galit ay mawawala,
kaya wag kang madedesisyon ng masama sa kapwa.
Alam kong mauulit din naman yan,
ngunit ang mahalaga, walang magbabangayan.

Hindi man ako ang mananalo sa huli,
babalik at babalik ako, muli't muli.
Ngayon na ang dami ko ng pagkakamali,
sana'y hindi ganon kababa ang tingin sa sarili.

Pagtatalo ay hindi maiiwasan,
ngunit hindi imposible na malalampasan.
Marami mang nabitawang salita,
sana'y ang salitang patawad ay matatanggap.


Naway nagustuhan niyo ang aking gawang tula. Subaybayan pa ang mga kapanapanabik na mga gawa na dito lang sa steemit mailalathala. Maraming Salamat!

Previous Filipino Poetry

Previous Filipino Poetry with English Explaination


Image Taken from Unsplash

New-Animation-1.gif

Follow-Me-(Looped).gif

themanualbot.jpg

follow_themanualbot.gif

Authors get paid when people like you upvote their post.
If you enjoyed what you read here, create your account today and start earning FREE STEEM!
Sort Order:  

765d2f9fa9a59928a5e693ace627fa43.gif

youre more awesome. thank you for the gif ';)

  ·  7 years ago (edited)

Napakagaling mo magsulat kaibigan.

@iphone7 ang makata