"Pamamaalam"

in filipino-poetry •  7 years ago  (edited)

letting_go_by_rkruger4-d72wyh0-1024x768.jpg

Kaya ko pa ba??

Ang utak ko'y nagtatanong kung KAYA PA BA?
Kaya ko pa bang manatili sa relasyong wala namang kasiguruduhan
Relasyong puro away bati...
Ngunit ang puso ko ay gusto pa rin manatili...

Kaya ko pa bang kumapit kahit puro sakit nalang ang aking nadarama?
O manatili sa pagmamahal mo na minsan ko lang madama...
Gusto kong makasama ka hanggang sa dulo ngunit para bang may pumipigil sa akin at nagsasabi na tama na..
Tama na ... tama na...

Hanggang dito nalang ba???

Mahal kita.. pero tama na..
Puso'y unti-unting nadudurog sa t'wing ipinapakita mo na ako'y kulang pa at di sapat...
At kailanman ay hindi magiging sapat...
Sa tuwing nababasa ko ang iyong mga likha para bang may tinik na tumutusok sa aking dibdib..

Di ko maintindihan kung bakit kay dumi ng iyong isip..
Minahal ka ng totoo't walang hinintay na kapalit..
Kahit na ang dulot nito'y hirap at pasakit..
Dapat nang tapusin ang pagluha na walang patid..
Kaya't sinta hangad ko ang iyong kaligayahan, malaya kana...

Naniwala ako sa tadhana..
Na ikaw at ako ay para sa isa't isa..
Ngunit iyon pala ay isang panaginip..
Kaya sa pag-gising ko'y biglang may luhang umagos sakin pisngi..
Kaya ngayon akoy nag iisa..
Iniisip ang ating mga ala-ala
Paalam sa mga ala alang di na mauulit pa..
Ala alang nakatatak sa isip ko at nakatarak sa puso ko..
Salamat dahil nandyan ka sa oras na kailangan kita..
Salamat sa pag ibig na pinadama mo..
Salamat sa lahat ng alaala ..
Kaya hanggang dito na lang siguro..
Pasensya na kung sa ganitong paraan ko nalang masabi..
Kaya't mahal paalam na ... pinapalaya na kita...

Image source 1

Authors get paid when people like you upvote their post.
If you enjoyed what you read here, create your account today and start earning FREE STEEM!
Sort Order:  

This post has received a 0.39 % upvote from @drotto thanks to: @banjo.

Thank you 😊

Congratulations! This post has been upvoted from the communal account, @minnowsupport, by dwaeji-aizelle from the Minnow Support Project. It's a witness project run by aggroed, ausbitbank, teamsteem, theprophet0, someguy123, neoxian, followbtcnews/crimsonclad, and netuoso. The goal is to help Steemit grow by supporting Minnows and creating a social network. Please find us in the Peace, Abundance, and Liberty Network (PALnet) Discord Channel. It's a completely public and open space to all members of the Steemit community who voluntarily choose to be there.

If you would like to delegate to the Minnow Support Project you can do so by clicking on the following links: 50SP, 100SP, 250SP, 500SP, 1000SP, 5000SP. Be sure to leave at least 50SP undelegated on your account.