IPAGTANGGOL ANG WIKANG FILIPINO| huwag kalimutan ang sariling wika bagkos atin itong pagyamanin at mahalin

in filipino •  6 years ago 

Magandang araw sa lahat kumusta kayo aking mga kaibigan. Nais ko sanang inyong pakinggan ang aking opinyon sa nasasabing tatangalin ang wikang filipino sa pagtuturo.
images.jpeg
"Bakit ba mahalaga ang Wikang Filipino"
Mahalaga ang wikang filipino sa atin dahil nag sisimbolo ito ng ating pagka Pilipino. Sa ating paaralan ay tinuruan tayo kung gaano ka importante ang mga bagay bagay katulad nalang ng wikang pambansa. Ang Isang bansa na may sariling wika ay nagngangahulugan na malaya ito.

Ang Pag gamit ng wikang filipino ay nag sisimbolo na pinag mamalaki mong ikaw ay isang pilipino at hindi mo ikanahihiya ang bayang iyong sinilangan. Hindi ko maisip na marami sa ating kapwa Pilipino ang nahihiyang gamitin ang ating sariling wika at ginagamit nila ang wikang banyaga.

Bilang isang pilipino dapat nating mahalin ang wikang sariling atin wag naman sana nating kalimutan ang ama natin sa wikang pambansa na si Manuel L. Quezon na siya ang nangunang mag hubog ng Wikang Pambansa na Wikang Filipino. Marami tayong wika dito sa ating bansa katulad nalang ng CEBUANO, ILOKANO, ILLONGO, TAGALOG, at marami pa layu-layo ang ang mga lugar at isla na bumubuo nito. Hindi madali kay Manuel L. Quezon at iba pang taga pamahala ng gobyerno na pumili at nagtalaga nang ating sariling wika dahil maraming tao ang hindi sang ayon dito.

Kapag aalisin ang wikang filipino anu nalang ang ipag diwang natin tuwing sasapit ang Agosto. Simula noong akoy elementarya pa lamang at tinuruan na kami na dapat mahalin ang sariling wikang atin at dapat na palawakin. Ngunit ano ang nangyari ngayon? Mukhang nilamon na ng sistema ang ating bansa hindi ko alam kung bakit nila gustong tatangalin ang wikang filipino sa bagong antas ng edukasyon.

Tayo ay pilipino kailangan nating ipaglaban ang wikang sariling atin at atin itong ipagmalaki sa mga dayuhan. Huwag tayo mag padala sa pangit na sistema ng ating bansa na kahit sariling wika ay gusto nilang mawala.
QmbJqwJbrw81SXrsSr82RaM16ewwABPXBUEEMtAo5MKvcg.png
IPAGTANGGOL ANG SARILING WIKA

Photo credit:
http://bulatlat.com/main/tag/tanggol-wika/

Authors get paid when people like you upvote their post.
If you enjoyed what you read here, create your account today and start earning FREE STEEM!