PINAGMULAN NG PAGSASALIN
By: Ubong Ephraim
Ang DeFi(Decentralized Finance) ang naging mahusay sa blockchain sphere nitong mga nakaraang taon. Nakakuha ito ng mabilis na adapsyon at popularidad sa espasyo dahil pinaboran ito bilang angkop na pamalit para sa mga serbisyo ng CeFi(Centralized Finance).
Habang ang ekosistema ng pananalapi ay patuloy na gumagawa ng aksyon laban sa mga permissionless at transparent na serbisyong pampinansyal at solusyon, ang mga solusyon ng DeFi na may naaangkop din na use case na patuloy na sumisibol at ang unti-unting nitong pagtaas at ang adapsyon ng mga serbisyo at solusyon ng DeFi na paglaon ay hahantong sa pandaigdigang adapsyon ng mga serbisyo ng DeFi bilang pinakamahalagang solusyon sa blockchain sphere.
Kumuha tayo ng isang maikling pangkalahatang ideya sa kung ano talaga ang DeFi:
DESENTRALISADONG PANANALAPI
Ang desentralisadong pananalapi ay isang ekosistema ng pananalapi na idinisenyo upang makapaghatid ng permissionless, transparent at madaling gamiting mga serbisyong pampinansyal sa lahat ng tao sa buong mundo ng walang central governing authority. Dahil sa pagiging transparent, nangangahulugan din na ito ay open source, samakatuwid ang istraktura at arkitektura ay madaling magagamit ng sinuman sa buong mundo. Ang CeFi sa kabilang banda ay medyo iba. Ang CeFi ay may central governing authority na nagsisilbing batas at mayroon ding pangangalaga sa mga pondo ng mga gumagamit.
Hindi mo ito magagamit nang walang pahintulot dahil ang mga gumagamit ay kailangang dumaan sa mga regulasyon ng KYC at AML na kung minsan ay mahigpit at pinaghihigpitan ang mga indibidwal mula sa heyograpikong rehiyon. Ang mga salik na ito at ang host ng mga iba pa ang naging dahilan ng lumalagong kagustuhan sa DeFi kaysa CeFi.
ANG ALGORAND PROTOCOL
Ang Algorand ay mayroong high performance na blockchain na binuo upang lumikha ng isang transparent na ekosistema upang makabuo ng desentralisadong mga solusyon at proyekto. Malulutas nito ang blockchain trilemma nang mahusay. Pinagsasama ang scalability, desentralisasyon, at seguridad nang walang iniiwan. Ang mga solusyon sa Blockchain na binuo sa maraming taon ay sinubukang malutas ang trilemma ngunit ito ay hindi matagumpay.
Ang tatlong pangunahing ethos ng teknolohiya ng blockchain ay ang Desentralisasyon, Scalability at Seguridad. Ang blockchain ng bitcoin at iba pang sumunod na mga blockchain ay sumubok nang hindi pumalya na magkaroon ng tatlong mga katangian ngunit ang karamihan ay kaya lamang magkaroon ng maximum na dalawa sapagkat ang isang katangian ay ipinagpapalit. Ito ang "Blockchain trilemma".
Nag-aalok ang Algorand protocol ng scalability, desentralisasyon at seguridad nang hindi nakikipagpalitan ng kahit alin man. Ang mga teknikal na hadlang sa mahusay na blockchain protocol ay tinanggal ng Algorand.
Ang Algorand protocol ay pinapatakbo ng isang Pure proof of stake na binuo sa isang byzantine kasunduan. Nangangahulugan lamang ito na walang sentral na awtoridad upang makamit ang consensus at ito ay tunay na desentralisado din. Ang lahat ng mga gumagamit ay may pagkakataon na magmungkahi at bumoto ng mga bagong block sa blockchain. Ang posibilidad ay nakasalalay sa stake ng gumagamit na may pag-aari ng mga Algo (Native currency ng Algorand).
Kaya't walang sentralisasyon dahil ang bawat isa sa blockchain ay maaaring magmungkahi ng mga block. Hindi lamang ilang mga indibidwal o subset ng mga minero.
PAANO ITO GUMAGANA
Sa Algorand, Ang isang natatanging komite ng mga gumagamit ay sapalaran at palihim na pumipili upang aprubahan ang bawat block sa chain. Ngayon paano pumipili ang mga miyembro ng komite sa iba upang matiyak ang pagiging patas Una, alam natin na ang lahat ng mga gumagamit ay may karapatang mag-mungkahi ng mga bagong block sa blockchain, ngunit pagkatapos ay ang posibilidad ay nakasalalay na sa dami ng mga algo na meron sila. Ang proposal ng block at pagboto ay nangyayari sa dalawang yugto.
PANUKALA: Ang bawat gumagamit ay maglalaro din ng isang espesyal na cryptographically fair lottery kung saan ang kanilang mga pagkakataong mapili bilang tagataguyod ng block ay nakasalalay sa kanilang stake. Kung ang isang gumagamit ay nanalo sa lottery, ang kanilang public key ay magiging kilala sa lahat ng mga gumagamit at maaari silang magmungkahi, mag-sign at magpalaganap ng isang bagong block.
KASUNDUAN: Matapos imungkahi ng gumagamit ang block, ang komite ng 1000 na tao ay kailangang sumang-ayon sa block. Ang 1000 na mga gumagamit na ito ay pinili rin upang maglaro ng cryptographically fair lottery. Ang kanilang mga key ay kilala rin. Naabot din nila ang kasunduan sa block at pinirmahan din ito. Ang isang round ng pagboto na ito ang nagtatapos sa proseso at ang block ay idadagdag na sa chain.
Ang straightforward concensus protocol ay mahusay na lumulutas sa blockchain trilemma at nagsisilbi rin bilang isang mahusay at maparaan na plataporma para sa pagbuo ng mga desentralisadong solusyon.
BAKIT DAPAT I-DEPLOY ANG MGA SOLUSYONG PANANALAPISA ALGORAND?
Ang Algorand protocol ay ang perpektong blockchain. Ang mga developer na naghahanap na kung saan mapapaunlad ang solusyon ng DeFi na mayroong mahusay na imprastraktura ng blockchain ay dapat tignan ang Algorand protocol.
Narito ang ilang mga kadahilanan upang gawin ito.
SELF GOVERNANCE: Ang protocol ng Algorand ay walang central governing authority. Ang bawat gumagamit sa blockchain ay ang karapat-dapat na magpasya at magmungkahi ng mga bagong block upang maidagdag sa blockchain. Ang self governing na modelong ito ay naiuugnay sa desentralisadong modelo ng mga solusyon ng DeFi na hindi pinamamahalaan ng isang sentral na awtoridad. Samakatuwid ang Algorand ay magiging optimum tool para sa mga developer na nais bumuo dito.
OPEN SOURCE: Ang repository ng Algorand node ay open sourced at madali itong magagamit para sa mga pag-audit at pagpapalawak ng mga solusyon. Ang transparency, inclusivity, at kolaborasyon ay ang pangunahing mga tuntunin ng ekosistema at pinananatili nito na nakatuon ang komunidad ng mga pandaigdigang gumagamit na nagbabahagi ng parehong bisyon sa Algorand na isang desentralisado, borderless na hinaharap. Ang transparency ay nagbibigay ng tiwala para sa mga gumagamit at isang kalamangan na mayroon ang DeFi higit sa CeFi.
PERMISSIONLESS: Ang Algorand protocol ay bukas at pampubliko para sa lahat. Ang lahat sa buong mundo ay maaaring lumahok dito. Ang mga gumagamit ay hindi kailangang dumaan sa mga regulasyon ng KYC at AML na pumipigil sa mga gumagamit na mag-access ng mga serbisyong pampinansyal sa ilang mga pagkakataon. Dahil walang central governing authority, ang bawat gumagamit ay may access sa protocol at maaari ring makilahok sa paggawa ng mga desisyon.
KADALIAN NG PAGGAMIT PARA SA PAGPAPATUPAD: Ang pagpapatupad sa open source ng Algorand ay ginagawang mas madali at mas mabilis para sa mga developer na mag-deploy sa blockchain. Saklaw ng programa ng patakbuhin ng developer ang Java, JavaScript (node.js at browser), at Go SDKs, REST API at mga komprehensibong mapagkukunan ng developer at mga collaboration tool. Mayroong mga artikulo, dokumentasyon, tutoryal at solusyon sa pahina ng mapagkukunan ng developer upang mahikayat ang mga developer na bago sa Algorand na magsimulang mag-deploy ng mga solusyon sa Algorand.
PANGANGALAGA NG PONDO: Sa Sentralisadong ekosistema ng pananalapi, ang pag-iingat sa mga pondo ng mga gumagamit ay nabibilang sa central governing authority. Mapanganib ito dahil ang mga pondo ay maaaring mawala kapag ang central authority ay inatake sa pamamagitan ng mga cyber hack. Sa Algorand, ang mga gumagamit ay may 100 porsyento na pangangalaga sa kanilang mga pondo. Nananatili ito sa kanilang mga wallet at maaaring i-withdraw kahit kailan nila gusto nang walang mga sagabal.
SECURE INCENTIVES: Sa Algorand, ang kapangyarihan ay nasa kamay ng mga gumagamit na mayroong hawak na stake. Ang bawat gumagamit ay tatangap ng isang halaga na gantimpala na proporsyonal sa kanilang stake para sa bawat block na nakatuon sa chain. Kaya't ang mga gumagamit ay maaaring mag-stake ng mga algo sa kanilang mga wallet at kapag ang isang bagong block ay idinagdag sa chain ang gantimpala ay ibinibigay sa kanila batay sa halaga ng kanilang stake. Ginagawa ito ng Algorand upang hikayatin ang mga gumagamit na sumali sa plataporma ng Algorand at mapabilis ang landas nito patungo sa desentralisasyon.
MABABANG FEE: Nangangailangan ang plataporma ng Algorand ng kapangyarihang magproseso at mga mapagkukunan ng IT upang sumali. Lahat ng mga sa online users na mayroong mga Algo ay awtomatikong karapat-dapat na lumahok sa block consensus. Ang protocol ay idinisenyo upang mabawasan ang gastos sa pakikilahok. Sa gayon, walang hadlang para sa mga gumagamit na piniling lumahok.
Ang ekosistema ng DeFi ay nasa yugto pa rin ng pagsisimula nito at kinokonsidera pa rin ito bilang isang kahalili ng CeFi. Ginawan din ito ng mga negatibong komento tungkol sa mga kamakailang pag-hack sa ilang mga serbisyo ng DeFi sa mga nagdaang panahon.
Malamang na sa mga darating na taon, ito ay magiging isang matatag na kapalit ng DeFi dahil tila ito'y maaasahan at ang tool at plataporma tulad ng Algorand na may scalability, desentralisasyon at seguridad ay madaling magagamit para sa pagpapatupad ng mga solusyon.