Baybay-guhit ni Gavino 2011 from Baybayin Atbp.
Camera oppo F5
Nalalapit na ang A Walk of Hope. Magsisimula ito sa March 31 2018. At ako ay nagagalak dahil nakapagsimula ako, marahil bilang preparasyon sa Zambales.
Leaving Vigan, Ilocos Sur
Camera oppo F5
One can take the bus going to Iba and just be dropped at San Felipe.
Camera Oppo F5
From the town proper of San Felipe, a tricyle ride will take you to Liw-liwa.
Camera Oppo F5
Nang narinig ko mula sa isang kaibigan na may event sa San Felipe , Zambales, ninais kong puntahan ito. Diwata raw. Diwata: A Sisterhood Gathering ang tawag nila. Ito ay para nga naman sa Women's Month Celebration.
Ano nga ba ang ibig sabihin ng Diwata? Sa Philippine mythology, ang mga ito ay mga nympa o espiritu na tinatawag para sa kalusugan, kapalaran, biyaya at marami pang iba.
Ang Diwata ay may 2 araw na palihan. Sa ikalawang araw lang ako maari makasali . Nagsimula ito sa Yoga, Paggawa ng mga Natural na sabon, Pagsulat ng Baybayin, Tugtugan atbpa. Naisip ko tuloy na magdala ng ilan sa aking mga instrumento at makisali sa Open Jam. Maari na rin itong pagbabasbas ng mga Diwata para sa A Walk of Hope.
Soap making
Photo credit by D. Mendoza
Baybayin
Photo credit by D. Mendoza
Open jam
Photo credit by D. Mendoza
Marahil nga may dahilan ang lahat ng pangyayari. Marahil ibinahagi sa akin ang positibong enerhiya. Siguro nga magandang inilabas ko ang mga instrumentong lulan ng aking Special Edition Venado Habagat.
Sa mga workshops na aking nakita, maari ko sigurong ibahagi sa aking mapupuntahan ang Baybayin at pagsulat muli gamit nito. Sabi nga nila, bawat rehiyon ay may sariling porma ng Baybayin . Baka mayroon nga. Sana masaliksik ko pa dahil ipagpapatuloy nito ating sinaunang pamamaraan ng pasgsulat na maling tawag ay Alibata.
Maliban sa San Felipe ay nakapunta rin ako sa San Antonio. Ngunit hindi ako pumunta sa mataong lugar at puntahan ng karamihban bagkus napadpad ako sa San Miguel Beach kung saan nakita ko ang kaaya-ayang paglubog ng araw habang nag eensayo sa buhangin at sa dagat ang mga kabataan ng San Miguel Boots at ang kanilang mga back flipping routine
Camera oppo F5
Camera oppo F5
Satibay mga, Diwata. Hanggang sa susunod pang preparasyon para sa nalalapit ngang Lakad ng Pag-asa ( Walk of Hope)