Filipino Poetry # 2: O' Pag-ibig

in filipinopeotry •  7 years ago  (edited)

Happy Valentines Day from me to yours"

Ang pagdatal ay di inasahan
Natigatig itong kapanatagan
Paglilimi'y nakalimutan
Napalitan ng kagulumihan.

Gunamgunamin man ay iba
Tila ligaya ang dala
Sansalain man ay di kaya
Pati isip ay kumikiling na.

Apuhaping pilit ay wala
Di matalos pati ng diwa
Ano itong panggagambala?
Hatid nang di mawaring madla.

Gayon man, ano't ito'y tuwa
Pawang kagandahan ang nakikita
Kaligayahan ay bumaba
Sa puso'y tumuntong nang kusa.

Lito man, may pag-aatubili
Ngunit pinipilit na itili
Ang katagang dinidili-dili
O' Pag-ibig ikaw na iri.

Feel free to write your comments and suggestions! Thanks!

@hopefrecy 💋

Image source: Google

Authors get paid when people like you upvote their post.
If you enjoyed what you read here, create your account today and start earning FREE STEEM!