Balagtasan 11 (Ako'y Bata)

in filipinopoetry •  7 years ago 

AKO'Y BATA



images.jpg


Source

Musmos at sa mundo'y walang kaalam-alam,
Bakit mo ako sinaktan at wala kang pakialam.
Kaya mo pa akong kitilan ng sariling buhay,
Kahit wala akong kasalanan sa basura mo pinamigay.

Ako'y munting bata di pa marunong magsalita,
Kahit depensa sa sarili di KO pa kayang magawa.
Maliit na tinig ng iyak na sayo'y nagmamakaawa,
Kahit init man lang ng iyong yakap sa'kin ipadama

Kamay't paa ko'y kumakaway sayo dahil sa lamig,
Nang nilagay mo lang akong walang damit sa sahig.
Ako sayo'y humingi ng isang kahilingan,
Dahil di ko kagustuhang mabuhay ng di pinahalagahan.

Kung di mo man kaya na ako'y buhayin,
Ibigay mo na lang ako sa nais akong maangkin.
Kaysa basura't mga langaw ako'y hahalikan,
Insekto't mga hayop na walang nais kundi kamatayan.

Pag ako'y lumaki hahanapin pa rin kita,
At sayo'y ipadama ang pagibig sayo ina.
Kahit di mo man ako pinahalagahan,
Pero sinikap kung mabuhay sa'king kamang-mangan.

____________________________________________

Iyong kaibigan,
@redspider

Authors get paid when people like you upvote their post.
If you enjoyed what you read here, create your account today and start earning FREE STEEM!