Balagtasan 15 (Sa likod ng Hardin)

in filipinopoetry •  7 years ago 

“Sa likod ng Hardin”


Source

Itinanim sa likod ng malungkot na hardin,
Mga kahapon na sumira sa pag-ibig’t damdamin.
Mga kaaya ayang mga punla ng kaligayan,
Tinangay ng makasariling baha sa bakuran.

Binubungkal lupang tigang ng dalawang kamay,
Napapansin mga dahon mong kumakaway,
Sarap balikan ng mga kahapon pero ninakaw,
mga nakakaaliw na kasama ka sa araw-araw.

Dahan dahang binubodbod similyang itim,
Upang makalimutan mga kahapon’t di na alamin,
Isip at kaluluwa’y minsan nalilito sa tago,
Hardin na malaparaiso na kay ganda binago.

Pagdating ng araw munting tanim mamumukadkad,
magbigay kulay at buhay na walang ihalintulad,
Isang pongpong ng bulaklak ng kaligayan dito pipitasin,
Sa likod ng hardin na minsay sinaktan at muli iibigin.

------------------------------------------------------------------------------------------------------------------

Iyong kaibigan,
@redspider

Authors get paid when people like you upvote their post.
If you enjoyed what you read here, create your account today and start earning FREE STEEM!