Balang araw magiging guro ako

in guro •  7 years ago 

Hindi matatawarang sakripisyo ang ginawa ng ating mga guro para sa ating mga kabataan. Sila ang tumatayong pangalawang INA o magulang ng mga anak, sila ang nagtuturo sa kanila upang ang ating mga anak ay matutung sumulat at bumasa, upang makamit ng ating mga anak ang pangarap na inaasam asam.

Hindi lang guro ang papel nila sa atinkung Hindi isa rin silang magulang o INA na handang tumulong sa mga kabataan sa oras na kinailangan, sila ang nag aalaga sa ating mga kabataan oras na nandon sila sa silid aralan, sila ang gumagabay sa ating mga kabataan oras na nandon sila sa silid aralan, at minamahal din nila ang ating mga kabataan kahit na itoy Hindi nila kaano-anu.

kaya dapat nating mahalin, respituhin, igalang dahil sila ang naging pangalawang magulang ng ating mga kabataan, at dapat natin silang pakinggan sa kanilang hinaing para sa ating mga kabataan. Huwag nating sila baliwalain, dahil malaking mawawala sa atin kung Hindi natin sila pakinggan, dahil Hindi makamtam ng ating mga kabataan ang pangarap na kanila inaasam asam kung walang mga guro na nagtuturo sa kanila.

Kung walang guro na nagtuturo Hindi makamit ang pangarap na kanila pinangarap sa buhay, kaya magpasalamat tayo sa ating mga guro na may ganitong propisyon na handang magtiis at magmalasakit sa ating mga kabataan kahit na Hindi nila kaanu anu, kaya malaki ang pasasalamat natin dito sa mundo na may propisyon ganito kahit na itoy mahirap, ginawa parin ng ating mga guro ang dapat nilang gawin sa buhay at dapat nating pasalamatan sila na sila ang dahilan kung bakit umunlad ang ating mga kabataan para sa magandang kinabukasan ng ating mga kabataan, at kaya tayong mga magulang dapat nating alalayan at tutulungan ang ating mga guro para sa magandang kinabukasan ng ating mga kabataan.

Authors get paid when people like you upvote their post.
If you enjoyed what you read here, create your account today and start earning FREE STEEM!
Sort Order:  

Tama po kung walang mga guro ay ang ibang propesyon ay wala din po. Dahil sa kanila tayo ay nahuhubog kaya't maraming salamat kay Ginang Cruz sa kaniyang pagtuturo at pag gabay sa akin noong ako'y nasa elementarya pa lamang.

Tip ko po:

Ang ocd-resteem na tag ay gamit po para mapansin ng OCD Curators ang gawa niyo po. Sa ngayon, ang OCD team ay wala pang anunsyo na natanggap sila ng akdang Tagalog kaya't mas mainam po na gumamit ng ibang tags para mas mapansin at i "maximize" din po ang 5 tags sa post.